Bulateng Nakatira Sa Katawan, Saan Nakukuha?


Humigit-kumulang 12 milyon Pilipino ang apektado ng schistosomiasis at halos 2.5 milyon ang maaaring magkaroon nito, ayon sa Department of Health.
‘Schistosomiasis’ ang tawag sa sakit na dulot ng parasitong butete na pumapasok sa katawan at nagiging bulateng naninirahan sa ating mga ugat. Maaaring umabot sa 30 taon ang pagtira ng bulateng ito sa katawan nang hindi namamalayan.


Ilan lang sa mga maaring magresulta ng bulateng ito sa ating katawan ang mga sumusunod:

1. Malnutrition
Resulta ng larawan para sa malnutrition cartoon
2. Anemia
Resulta ng larawan para sa anemia cartoon
3. Pagbaba ng intelihensya (Cognitive Functioning o pagiisip)

4. Liver Disease
Kaugnay na larawan

Karaniwang nakikita sa mga lugar na may tubig-tabang ang butete ng ‘schistosomiasis’. Kaya maaaring magkaroon ng sakit na ito ang mga taong naliligo sa lawa, ilog, sapa, creek, at maging ang mga magsasaka na babad sa palayan dahil maaring pumasok sa mga pores at balat kung san lalaki na sila at magiging bulate na.


Ilan naman sa mga symptomas ng sakit na ito ay ang pamumula ng balat at magkakaroon din ng butlig matapos maligo o mababad sa tubig-tabang.
Karaniwan ang schistosomiasis sa 28 probinsiya sa Pilipinas kabilang na ang Samar, Leyte, Bohol, Oriental Mindoro, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Cagayan, Isabela, at sa rehiyon 2.
Source: Abs Cbn News

+ There are no comments

Add yours