Isang OFW Pinoy na Dishwasher at Janitor Dati, May Sikat na Restaurant na Ngayon sa Italy!




Si Marvin Aguda ang may ari ng Sikat na Restaurant sa Italy. 
Noong 1999, Nagpunta ito sa Italy para maghanap ng magandang trabaho. Naging isang dishwasher ito sa isang restaurant at madalas din itong tagalinis ng banyo at tiga- hugas ng mga plato na ginagamit sa restaurant. 
“Ako nagsimula din ako sa pinakamababang posisyon dio sa Italya. Nagtrabaho din ako sa bahay, nagsimula ako dito na ako ang naghuhugas ng pinggan, ako ang naglilinis dito ng banyo, ng lahat,” Kwento ni Marvin.
Nagsumikap ito na alamin kung paano ang pag gawa at pagproseso ng mga pizza. 



Noong namatay ang isang may ari ng restaurant, Sinimulan ibenta ang restaurant ng kanyang pinagtatrabahuhan ngunit ayaw ng isang may ari na iba ang magmamanage sa kanyang restaurant. Kaya naman tinanggap ng may ari na si Marvin ang bibili sa restaurant na naka loan sa banko.

“Kailangan lang talaga dream big, kailangan mataas ang iyong pangarap sa buhay hindi yung laging hanggang doon na lang, hindi ko kay yan, hindi pwedeng ganoon,” ulat ni Marvin



Pagkatapos ng dalawang taon, natapos bayaran ni Marvin ang Restaurant at siya na ngayon ang Chef at Owner ng Pizzeria na dati’y isa siyang Janitor at Dishwasher doon. 

+ There are no comments

Add yours