Napahamak ang isang bata matapos makatanggap ng laruan na sumasabog mula sa isang di nakikilalang tao!
Isang facebook user ang nagbabala sa lahat ng mga magulang o mga nakakatanda na pakabantayan mabuti ang mga bata lalo na ang mga mag aaral ng F. De Castro Elementary School. Sinabi nya sa kanyang panayam na di umano ay isang di nakikilalang suspek ang nag abot sa kanyang kapatid at kaklase ng isang laruan. Tila parang isang holen ang laruan na may laman sa loob. Napag alaman nila na ito pala ay isang pill box – improvised explosive device na kung tawagin.
Sa kasamaang palad ay di alam ng kanyang kapatid at kaibigan kung ano eto kaya pinaglaruan nalang nila ito. Nang bumagsak ang holen sa lupa, naglikha ito ng pagsabog na tila isang putok ng baril. Naglalaman ang laruan ng mga matatalim na metal pieces na kumalat pagkasabog neto.
+ There are no comments
Add yours