Alamin: Ano ang Sanhi, Lunas at Paano makakaiwas sa Meningitis




Ano ang Meningitis?

Ang Meningitis ay ang pamamaga ng mga meninges sa utak na nagsisilbing proteksyon o covering sa utak at sa ating spinal cord. Ang meningitis ay karaniwang tinatawag na “Neisseria meningitis bacteria” na maaring sanhi ng virus, bacteria o fungi.


Sino ang Karaniwang naapektuhan ng Sakit na ito?

Ito ay maaring makuha sa kahit anong edad ngunit ang pinaka common na makakuha nito ay ang mga sumusunod:

-mga batang 5 edad at pababa
– batang lalaki kumpara sa babae
-mga pasyenteng madalas na may impeksyon sa ilong o tenga
-mga pasyenteng may impkesyon sa baga (pulmonya)
-pasyenteng may sakit sa puso
-maari rin maapektuhan ang mga may HIV, hika at mga buntis



Sintomas ng Meningitis


  • pagkakaroon ng sipon
  • mataas na lagnat
  • sobrang sakit ng ulo
  • kawala ng gana sa pagkain
  • masakit na muscles
  • stiff neck
Sintomas sa mga sanggol:
  • walang tigil na pag-iyak
  • hindi magising o hindi magalaw
  • leeg at ulo ay tila naninigas
  • nagbubulge na bumbunan o malambot na parte ng kanyang ulo


Mga delikadong sintomas:
  • pagkakaroon ng purple spots sa katawan na nagiindicate na may internal bleeding
  • seizure
  • pagkawala o pagbaba ng consciousness
  • shock

Ano ang sanhi at paano ang transmission nito?

Tatlong klase ng bacteria ang nagdudulot sa meningitis at ito ay napapasa sakapag ang isang infected person ay umubo o humatsing sa hindi infected. Ito ay maaring mapasa sa pamamagitan ng paglanghap ng respiratory secretions from person to person.




Paano Makakaiwas sa Sakit na ito?

Mahalagang magpunta sa doktor at magpabakuna para makaiwas sa meningitis, subalit may ibang mga pasyente na nagkakaroon ng side effects matapos mabakunahan. Tandaan na ang bakuna laban dito ay hindi nagpoprotekta sa atin sa lahat ng klase ng meningitis, kaya dapat obserbahan ang mga sintomas.


Natural remedies:

Maghugas ng kamay at siguraduhin takpan ang ilong at bibig kapag ikaw ay nasa public place para hindi mahawa sa isang infected person na uubo o hahatsing sa iyong harapan. 


  • Uminom ng Ginseng tea dahil ito ay nakakatulong para makapagpababa ng infection
  • Kumain ng masustansyang pagkain
  • Importanteng magpahinga
  • Kumain ng Bawang o garlic tatlong beses sa isang araw, maari mo itong gamitin pang gisa sa iyong kakainin buong araw dahil ang bawang ay anti-virus at anti-bacterial ingredient












NOTE: Importanteng magpatingin at kumonsulta sa doktor para mas mabigyan ng tamang eksplanasyon at diagnosis kung mayroong nararamdamang kakaiba sa inyong mga katawan.

source: buhayofw.com

+ There are no comments

Add yours