Halamang Gamot Para sa Goiter




ANO ANG GOITER?
Ang Goiter ay isang sakit na dulot sa pamamaga ng thyroid gland na lumaki na matatagpuan sa lalamunan. Ito ay ang paglaki ng leeg ng tao sa may ‘adam’s apple’ at larynx. 

ANO ANG SANHI NG GOITER?
Ang thyroid gland ng tao ay gumagawa ng thyroid horomes na kailangan ng katawan. Ang pagkakaroon ng Goiter ay sanhi ng kakulangan sa Iodine o may ‘Iodine Deficiency’ sa katawan ng tao. Ang paglaki ng goiter ay isang palatandaan na may mali sa thyroid gland.
SINO ANG MAARING MAGKAROON NG GOITER?
Kahit sino ay pwedeng magkaroon ng goiter, subalit mas madalas magkaroon nito ang mga taong my kapamilyang o may lahi na may goiter. Isa pang common na magkaroon ay ang mga babaeng nasa 40 taon na gulang at malapit na sa menopausal stage. 



TANDAAN: Mas mabuting magpatingin muna sa doktor para sa mas detalyadong eksplanasyon at diagnosis. May mga halamang gamot na maari mong subukan para makatulong sa pagbawas ng sintomas ng goiter. 
HALAMANG GAMOT SA GOITER
APPLE CIDER VINEGAR
Uminom ng isang teaspoong apple cider na mau 1/2 teaspoon ng honey at ihalo sa mainit na tubig. Inumin ito tuwing umaga dahil ang apple cider ay mababa ang acid na makakatulong sa pH balance ng katawan at makapagpataas ng iodine absorption.
KELP O SEAWEED
Ito ay karaniwang matatagpuan sa dagat. May potassium, calcium at magnesium content ang kelp na makakatulong sa goiter para mabawasan. Maari mo itong kainin at ihalo sa kamatis na may sibuyas. 
GREEN TEA O TSAA
Ang Green tea ay may antioxidants na nakakapagpalusog ng thyroid gland. Subukan uminom ng Green tea dalawang beses sa isang araw.
BAWANG



Ang Bawang ay may kakayahan na palakasin ang glutathione levels sa katawan ng ta na kinakailangan para maging malusog ang thyroid gland. Ito rin ay mabisa para mabawasan ang pamamaga ng leeg. Mag nguya ng tatlong pirasong bawang tuwing umaga o kaya naman gamitin ito pang gisa sa lulutuin. Mayroon ding mga garlic supplements na wpede mo inumin.
KUMAIN NG PAGKAIN NG MATAAS SA IODINE
Ang gatas, Mani at pasas ay may mataas na nilalamang iodine. Ang mga ito ay nakakatulong sa pag iwas sa goiter, ngunit ang sobrang konsumo ay maaring maging sanhi ng goiter kaya siguraduhin na may balanced diet.
DAGDAGAN ANG KONSUMO SA VITAMIN C
Ang vitamin C ay importante sa katawan upang makapagprotekta sa thyroid gland. Maari mong kainin ang bayabasm mangga, kiwi at citrus fruits para magkaroon ng natural na supply ng vitamin C sa katawan.

+ There are no comments

Add yours