Iba’t ibang uri ng NBI clearance, Pinag-isa na lahat!




Dati, magkakaiba pa ang NBI clearance na gagamitin para sa mga papasok ng trabaho, mangingibang bansa, kukuha ng gun permit, business permit at iba pa.

Nitong Martes ay inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang multi-purpose clearance na pinag-iisa ang dati’y magkakaibang NBI clearances.

Ayon kay Nick Suarez, public information officer ng NBI, ginawa nila ang sistemang ito upang pasimplehin ang proseso at maging in line sa present administration.

Ulat ng isang applikanteng kumukuha ng clearance, mas mapapadali daw ang pag apply sa ibat ibang bansa dahil kahit saan pwede na itong gamitin, hindi lang limitado sa iisang bansa ang clearance.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga netizens ang bagong balitang eto dahil iwas hassle na eto at maaring magamit na sa ibat-ibang bagay.

Source: ABS CBN News

+ There are no comments

Add yours