Mga Pagkain na Dapat Kainin at Iwasan Upang Makaiwas sa Constipation
Lahat tayo ay nakaranas na ng hirap sa pagdumi o hindi makatae. Ang regular na pagdudumi ay kinakailangan ng katawan para mailabas ang mga waste product at maging maginhawa ang pakiramdam.
Ang pagkakaranas ng matigas pagdudumi ay isang kondisyon na kung tawagin ay ‘constipation o pagtitibi’. Ito ay hindi maganda sa pakiramdam at karaniwang masama sa ating kalusugan.
Ano nga ba ang mga pagkain na dapat kainin kapag nakakaranas ng hirap sa pagdudumi o constipation?
1. Kumain ng mga Pagkaing maraming Fiber tulad ng Avocado, green peas, papaya, guava o bayabas at repolyo
2. Uminom ng Calamansi Juice
3. Kumain ng Okra dahil ito ay may malapot na likido na nagpapadulas sa pagdaan ng dumi.
4. Kumain ng isang tasang oatmeal sa umaga upang makatulong sa pagtanggal ng kolesterol at makakatulong sa pagdumi
5. Mga berdeng gulay tulad ng spinach, kangkong, pechay, talbos ng kamote at malunggay dahil ang mga ito ay nakakapag pabilis ng pag galaw ng dumi sa bituka
6. Uminom ng Tubig- siguraduhing hydrated ang katawan dahil ang mga pagkaing berde ay kailangang humalo muna sa tubig para maging malambot ang pagdumi.
Ano ang mga Pagkaing Dapat Iwasan?
Importanteng iwasan ang mga pagkain na nagiging sanhi ng constipation. Narito ang mga kailangan iwasan:
-Kape, juice at softdrinks
-hilaw na saging
-french fries, donuts, onion rings
-cookies at tsitsirya
+ There are no comments
Add yours