Pinakaimportanteng Paraan Para Makapag-Ipon ng Pera





Narito ang ilang Paraan para makapag-Ipon ng Pera na galing sa iyong Suweldo:


1. Gumawa ng listahan ng iyong gastusin

Importanteng malaman natin kung saan mapupunta ang ating kinikita. Simulan ng paglilista ng lahat ng iyong mga gastusin. Ilista ang gastusin para sa Bills, groceries, personal expense, rent at pati na ang transportation. Mahalagang malaman ang bawat sentimo ng iyong gastusin.



2. Gumawa ng budget

Kalulahin kung magkano nga ba ang maari mong itabi sa iyong sahod. Laging tandaan ang formula na ito: SAHOD-IPON= GASTOS para kahit ikaw ay may babayaran, mayroon ka pa din pera na naitabi para sa emergency funds.

3. Ilista at gumawa ng limit para sa Personal Expenses


Madalas nauubos ang ating suweldo para sa mga personal expense na hindi naman talaga natin kailangan. Importanteng magset ng budget kada buwan para sa iyong personal expense at sundin ito.

4. Sundin ang 50/30/20 rule sa pagiipon

50% para sa iyong mga bills or needs, 30% para sa iyong personal expense or wants, itabi ang 20% ng sahod para sa emergency funds o para sa savings. Ang rule na ito ay hindi para sa lahat, maari mong gawing gabay ito para sa paraan para makaipon.



5. Magopen ng savings account sa banko 

Isa sa pinaka importante paraan ito para makapag ipon ng pera. Mas magandang ideposit agad sa banko pag ka kuha ng suweldo at kumuha lamang ng saktong pera para sa mga gastusin. Mas mainam na nasa banko ang pera para hindi natin ito magastos sa ibang bagay.


6. Reward Para sa Sarili

Importanteng i-reward ang sarili paminsan-minsan. Maari ka bumili ng bagong damit, kumain sa labas, o gumastos para sa massage pagkatapos ng iyong paghihirap sa trabaho. Maari mo itong gawin kada buwan, dalawang beses sa isang buwan o puwede rin kada linggo depende sa iyong naimbak na hardwork sa trabaho.

+ There are no comments

Add yours