Alamin ang Mabisang Gamot sa Kurikong!






Ano nga ba ang Kurikong?

Ang kurikong o tinatawag na scabies ay isang sakit ng balat na mayroong mga maliliit na tungas o mites na Sarcoptes Scabiei. Ang tungaw ay siyang bumabaon sa balat ng isang tao na nagdudulot ng pamamaga at pangagati. Ang kagat ng insektong ito ay maaring magdulot ng pamumula, pamamantal at mga paltos sa balat ng isang bahagi ng katawan na apektado nito. Kung meron kang sakit na ganito, asahan mong hindi ito mawawala sayo kung hindi mo ito gagamitan ng gamot sa pagtanggal ng kurikong. Ang babaeng tungaw ang responsible sa pagkakaron ng kurikong na bumabaon sa balat ng tao para mangitlog. Pagkaraan ng ilang araw, ang mga itlog ay mapipisa at magsisimulang magparami sa ibabaw ng balat.


Alamin ang gamot sa Kurikong?
Ang karamihan sa nakasanayan ng paraan sa pagamot ng kurikong ay maaring magdulot ng mga side effects sa tao. Dahil ang sakit na ito ay nagmumula sa insekto, malakas na insecticide ang kailangang gamitin upang lubusang mapuksa ang mga mites na sanhi neto. Sa katunayan ay may mga taong hindi tinatablan ng mga gamot para sa sakit na eto. Dahil dito, marami ngayon ang naghahanap ng halamang gamot pang masolusyunan ang sakit na ito.


Kung ikaw ay buntis, o nagpapabreastfeed ng iyong anak o may sakit na iba pa, ay kailangan mo munang magpatingin sa duktor bago gumamit ng anumang gamot para sa kurikong maging ito man ay komersyal o natural na gamot.




Halamang gamot na maari niyong gamitin! 
Dahil laganap ang side effects ng mga komersyal na gamot, marami ang gusting humanap ng natural na halamang gamot para dito. Narito ang listahan ng mga epektibong halamang gamot upang mabawasan hanggang sa puksain ang sakit na ito!

1. Tea Tree Oil – Makakabili ka neto sa botika. Ito ay isang epektibong lunas dahil pinapakalma nito ang pangangati at pamamantal ng balat pero hindi nito kayang patayin ang mga itlog ng tungaw o mites na nakabaon na sa balat.


2. Kakawate – ito ay isang halamang gamot na nabubuhay sa ating bansa. Ito ay may likas na insecticidal properties na pumapatay sa tungaw. Maaring pakalmahin din nito ang pamamaga at labana ang bakterya ng sakit.




3. Aloe Vera – Ang gulaman na nakukuha sa aloe vera ay epektibong halamang gamot sa kurikong dahil napapahupa nito ang pangangati ng balat at kaya nitong patayin ang insektong sanhi ng kurikong.


4. Siling Labuyo – Kinikilala itong pinakamaanghang na sili sa balat ng lupa. Ang siling labuyo ay nakakagamot ng pananakit at pangangati ng balat. Ang ilang mga pagsusuri na nagawa na ay nagsasabi na kaya nitong patayin ang mga mismong tungaw ngunit kulang pa ang pagaaral dito. Pinamamanhid din ng siling labuyo ang mga neurons ng balat.


Source: Pamatay

+ There are no comments

Add yours