Maaring Kumita ng Malaki sa Pag-aalaga ng Baboy, Alamin kung Paano!







Isa sa mga magagandang negosyo sa ating bansa ay ang pagaalaga ng baboy. Ito ay sinasagaw sa loob ng maraming dekada. Inaalagaan ng mga mamamayan sa rural areas ang baboy sa kanilang mga bakuran. Ginagawa ito ng mga Pinoy upang madagdagan ang kanilang kita para sa pang araw araw na gastusin.

Basahin natin sa artikulong ito ang wastong pag aalaga ng baboy upang maaring dumadagdag ang ating kita para sa ating pamilya.


Paghahanap ng tamang uri ng biik

Ang pagpapalaki ng biik hanggang ito ay umabot sa tamang timbang ay tinatawag na grow out production system. Isa sa mga pundasyon ng matagumpay na grow out operation ay ang pagkuha ng mga biik at pagpapalaki sa mga ito sa mga panahon na mataas ang halaga ng karne ng baboy. Ayon sa pagaaral ang kita ng pagaalaga ng baboy ay mataas sab wan ng Nobyembre hanggang Pebrero. Kaya ang mga biik na inalagaan mula Agosto hanggang Nobyembre ay mabebenta sa mas mataas na halaga.





Pakinabang sa pag aalaga ng baboy

Mabilis ang pagbalik ng capital kumpara sa pagaalaga ng inahin at hihintayin mo itong manganak bago palakihin. Kung aasa ka sa inahin, aabutin ito ng isang taon mula sa pagbubuntis. Sa grow out system, tatlo at kalahati hanggang sa apat na bwan lamang ang iyong paghihintay.


Ang pagaalaga ng inahin ay kailangan ng sobrang pagiingat habang ito ay buntis. Pero matrabaho din ang pagaalaga ng bagong silang na mga biik. Maiiwasan mo ito kung bibili ka na lamang ng biik na iyong papatabain.

Hindi kana kailangan maghintay sa susunod na batch ng mga biik, pwede ka ng bumili agad ng mga bagong papalakihin sa oras na maibenta mo ang naunang batch.

Wastong pag aalaga ng baboy: Tamang Pagkain

Simulan ang pagpapakain sa mga bagong biik ng nabibiling pre starter na feeds kapag ang baboy ay isang linggong gulang na.



Ang pakain sa baboy ay dapat palitan depende sa ibat ibang yugto ng paglaki nito. Ang pagpapalit sa pagkain ay dahan dahang isinasagawa para hindi ma stress ang tiyan ng biik.

Pwede mo na silang bigyan ng mga dahon tulad ng dahon ng kamote o mais bilang dagdag sa kanilang pagkain, siguraduhin lamang na ito ay niluto ng maayos.














Source: Pagsasaka

+ There are no comments

Add yours