Paano Makakakuha ng Tax Identification Number (TIN ID) sa BIR?
Nangangailangan ka ba ng Tin ID para sa iyong trabaho, business o propesyon? Narito ang paraan kung paano ka makakakuha ng Tax Identification Number/ TIN ID Card.
1. Kumuha ng Barangay Clearance
-Magpunta ka iyong barangay hall
-Magdala ka ng Valid ID
-I-fill up ang form at ilagay kung saan mo ito gagamitin
-Ipasa at kailangan mo magbayad ng fee (depende ito sa barangay)
-Hintayin na marelease ang barangay clearance
2. Kumuha ng CEDULA
Ang Community Tax Certificate (CTC) o cedula ay issued sa bawat individual o corporation upon the payment of community tax.
-Pumunta sa inyong local government offices (barangay, municipal o city hall) kung saan nagi-issue ng sedula.
– Hanapin ang window na nag-i-issue ng sedula at sabihin mo kung para saan mo ito gagamitin
-Magbayad ng 20 pesos o 50 pesos (depende sa barangay)
-Hintayin ang issuing officer na ibigay sa iyo ang iyong sedula
-Pirmahan at lagyan ng thumb print pag nakuha na ang iyong sedula
Mga Requirements na kailanga para sa TIN ID:
Para sa may self-employed o sa professionals/sole proprietors
1. NSO Birth Certificate
2. DTI Certificate of Business Name (Kung para ito sa iyong business)
3. Mayor’s Permit (Kung kailangan)
4. PRC CARD (Para sa professionals only)
5. Payment of Professional Tax Receipt (PTR)
PAANO?
Para sa mga Individual na may compensation income:
1. NSO Birth Certificate
2. Valid ID or Certification of Employment
PAANO?
Para sa corporation/partnerships:
1. Certificate of Registration( Certificate of Incorporation/Certificate of Co-Partnership)
2. Mayor’s Permit or application for Mayor’s Permit
source: karmaxpurpose
+ There are no comments
Add yours