5 Pinaka Madaling Paraan Para Mawala ang Bilbil sa Tiyan
!– thecampfirethoughts_main_Blog1_1x1_as –>
Karamihan sa atin ay problema ang pagkakaroon ng bilbil sa tiyan na kahit ano ang ating gawin, hindi ito mabawas-bawasan. Alam mo niyo ba na ang pagtanggal ng bilbil sa tiyan ay hindi madaling proseso at ito ay nangangailangan ng sapat na motivation para ma-achieve ang resulta na gusto mong makuha.
Ang pagkakaroon ng belly fat sa tiyan ay maaring dahil sa mga sumusunod na dahilan:
-Paginom ng sugary beverages o softdrinks
-Pag-inom ng beer o alak
-Stress eating
-Pagkain ng mga maaalat o matatamis
-paghiga matapos kumain
-pagkain ng mabilis
Narito naman ang steps at pinaka madaling paraan para sa pagtanggal ng bilbil sa tiyan maari mong sundin:
1. Siguraduhin uminom ng 8-10 na baso kada araw. Subukan ninyong huwag uminom ng softdrinks, juices, beer o carbonated drinks sa isang linggo. Ito ang first step na kailangan ninyong gawin. Mainam na magdala ng water bottle upang ma-itrack ninyo ang naiinom na tubig kada araw.
2. Alisin ang rice. Kung hindi ninyo kayang tanggalin ang rice sa inyong diyeta, subukan ninyong kumain lamang ng rice sa umag at tanghali. Mas mainam na puro ulam nalang ang inyong kainin sa gabi. Unti unti ninyong tanggalin ang rice sa inyong diyeta. Maari mo rin itong palitan ng brown rice.
3. Pag gising ninyo sa umaga, uminom ng warm water na may halong Lemon. Ang Lemon ay nakakatulong magbigay ng sapat na Vitamin C sa aating katawan at nakakatulong ito upang mabawasan ang timbang at makapagpabilis ng metabolism.
4. Mag cardio exercise tuwing umaga 3x a week bago mag exercise ng pang abs. Importante ang may cardio exercise tulad ng jogging, zumba, running, aerobic exercise, walking o kahit anong exercise na nakakapawis. Gawin ito 15-20 minutes at pag katapos mag workout kayo ng for abs ng 10 minutes.
5. Ang maganda at nag-iisang paraan sa pagtanggal ng bilbil sa tiyan ay ang pagkain ng kaunting Calories. Bawal ang mga biscuits na may flavor. Bawal ang chocolate. Bawal ang chips. Bawal ang pasta. Bawal ang matatamis na pagkain. Mas mabuting kumain ng gulay sa tanghalian at puro isda ang inyong kainin.
Tandaan na ang susi sa pagbabawas ng timbang sa tiyan ay ang tamang diyeta sa pagkain at pag ehersisyo 3 beses kada linggo.
+ There are no comments
Add yours