Alamin ang isang Organic Miracle Mixture na maaring makagamot sa Ovarian Cysts!





Madalas na ang mga Pilipinang babae na mayroong ovarian cysts ay patuloy na naghahanap ng eksaktong gamot para matulungan ang kanilang mga kondisyon. Nakakalungkot man isipin pero according sa Mayo Clinic Website ay wala talagang nakakasigurong gamot para puksain ang mga cysts na eto. Nirerekomenda lang nila na ang mga babae na magsailalim ng mga eksaminasyon upang matukoy ang sakit sa maagang panahon pa lamang. Pero may mga usap usapan ngayon na may isang mixture ng inumin ang nakakatulong upang gamutin ang sakit na ito. Naireport na ang pag inom ng pinaghalohalong carrots, beets, molasses at aloe vera ay tutulong sa ating katawan na pigilan at puksain ang pagdami o pagdevelop ng cysts sa ating katawan.

Ngunit dineny ng Live Strong website ang impormasyong ito. Sinabi nila na mayroong padin hindi kasiguraduhan ang ganitong inuman at inaadvise na lahat ng mga babaeng nakakaramdam ng ganitong sintomas ay magkonsulta sa duktor upang mabigyan ng propoesyonal na gamot.

Kahit na hindi ito nakakgamot ng tuluyan, ang paginom nito ay maaring magkaron padin ng benepisyo sa ating katawan dahil nakakatanggap ang ating katawan ng mga natural at organic na gulay. Ngunit, babala para sa aloe vera dahil maaring magkaron o makaranas ng diarrhea o pagtatae at ang cramping o pamumulikat at lalong delikado ito sa mga buntis na babae.

Isa sa mga magandang paraan din na pagtapos malaman na mayroon ka palang ovarian cysts ay kailangan mo lang maghintay. Dahil minsan ang mga ganitong sakit ay nawawala pagtapos ng 2 hanggang 3 pagdudugo ng babae. Pero may mga iilang cysts na tumutubo at talagang sumasakit na kailangan ng ipatanggal sa pamamaraan ng surgery. Mayroon ding mga oral contraceptives o gamot na ginagamit upang maiwasan ang pagbalik nito. Ngunit mahalaga padin ang pagkonsulta sa duktor bago gawin ang anumang mga pamamaraan na nakasaad sa artikulong ito.

Source: Pinoy Health Guide

+ There are no comments

Add yours