Ano ang mga Bawal na Kainin at Gawin Upang Hindi Lumala ang Ulcer
Karamihan sa atin ay kadalasan nagkakaroon ng ulcer sa tiyan nagbibigay ng di kanais-nais na pakiramdam katulad ng pagsakit ng tiyan o pangangasim ng sikmura.
Ang Ulcer ang pangkaraniwang tawag sa pagsusugat ng sikmura o small intestine. Ito ay nangyayari kapag ang mucus membrane na nakabalot sa lining ng sikmura ay unti-unting maubos.
Narito ang dahilan ng Ulcer?
Ang ulcer sa tiyan ay maarinng sanhi ng iba’t ibang factors:
-impeksyon dahil sa bakteriya na Helicobacter Pylori
-stress
-sobrang pagkain ng matatabang pagkain, alcohol, kape o tobacco
-pagpapalipas ng gutom
-Pangmatagalang paggamit ng painkillers tulad ng ibuprofen, naproxen o aspirin
Ano ba ang mga pagkain na dapat iwasan upang hindi lumala ang ulcer sa tiyan?
1.Softdrinks o Inuming mayaman sa caffeine
Ang mga soda o beverages na mayaman sa caffeine ay maaaring makapagpasimula ng pangangasim ng tiyan. Ang mga ito ay masyadong acidic kung kaya dapat lamang na ipagbawal ang pagiinom nito upang hindi mas lalong sumakit ang inyong tiyan.
2. Alak
Iwasan ang pag inom ng alak o beer, isa ito sa sanhi nag pagkakaroon ng ulcer sa tiyan. Ito rin ay maaring makapagpasimula ng acid-reflux o pag-angat ng kinain mula sa sikmura.
3. Citrus Fruits
Maaari kayong kumain ng citrus fruits pagkatapos magkaroon ng laman ng tiyan. Ang mga prutas na na citrus ay likas na acidic, limitahan ito kung walang laman ang tiyan sapagkat nakakapagsimula ito ng pangangasim ng sikmura.
4. Karne
Ang mga karne ng baka o baboy na may taglay na maraming taba ay mas matagal na tunawin sa sikmura kaya naman ito ay nakakapagpataas ng asido sa tiyan.
5. Kamatis
Bawal rin ang sobrang pagkaing ng kamatis dahil ito ay mataas sa asido. Ang pagkain ng tomato sauce ay maari makapagpa sakit ng inyong sikmura.
5. Kamatis
Bawal rin ang sobrang pagkaing ng kamatis dahil ito ay mataas sa asido. Ang pagkain ng tomato sauce ay maari makapagpa sakit ng inyong sikmura.
Ano ang mga nararapat na gawin at iwasan upang hindi lumala ang Ulcer:
1. Huwag magpalipas gutom
Sanayin ninyo ang inyong katawan na kumain ng sapat na pagkain sa tamang oras upang hindi mangasim ang inyong sikmura. Kung hindi niyo pa kaya kumain ng marami sa umaga, mabuti ng kumain kayo ng tinapay, mais, gatas o kanin upang hindi maglabas ng maraming acid ang inyong tiyan.
2. Proper food hygiene at food preparation
Isang sanhi ng ulcer ay ang bakteriya na Helibacter Pylori na nakukuha sa pagkaing kontaminado dahil hindi naghugas ng kamay bago humawak ng pagkain. Tandaan na dapat malinis ang mga kamay at ang mga lagayan ng pagkain upang hindi kayo magkaroon ng ganitong bakteriya.
3. I-manage ang stress
Kailangan i-manage ninyo ang stress sa buhay upang hindi maapektuhan ang sistema ng katawan. Kapag kayo ay masyadong stess, galit, tensionado at nerbiyosa, dumadami ang acid production sa bituka. Kaya limitahan ang stress at matutong magrelax pa minsan minsan.
4. Uminom ng gamot pagkatapos kumain
May mga gamot na kahit hindi na kumain maari mo silang inumin, subalit marami ang nalilito kung ano nga ba ang mga gamot na kailangan munang kumain bago inumin. Kaya naman importanteng may laman ang tiyan bago kayo uminom ng gamot. Iwasan din ang madalas na paginom ng gamot na hindi naman kailangan.
+ There are no comments
Add yours