Binabatikos ngayon ang Santuario de San Antonio Parish sa Makati Matapos lumabas ang presyo ng Pagpapakasal dito!





Sa kabila ng mga reklamo na lumabas ngayon sa Santuario de San Antonio Parish ay naglabas na ng pahayag ang naturang simbahan sa mga presyo ng pagpapaksal dito at ngayon ay pinagaaralan nila itong mabuti.

Matatagpuan sa Forbes Park Makati at Taguig ang simbahan na SSAP. Lumabas ang mainit na balitang ito matapos magpost ang isang netizen ng presyo ng naturang simbahan. Naturang magbabayad ng 40,000 pesos ang sinumang ikasal sa mga araw na papatak mula Lunes hanggang Sabado habang ang mga non residents naman ay kailangan magbayad ng karagdagang 50,000 pesos sa mga nasabing araw. Kung gusto naman nilang magpakasal sa weekends or sa holiday ay ang mga residente ay kailangan magbayad ng 55,000 pesos habang ang mga non residents ay kailangan magbayad ng 65,000 pesos.

Ang mga wedding suppliers ay kailangan magbayad ng annual accreditation fees na maaring pumatak mula 20,000 pesos hanggang 50,000 pesos. Eto ay sa taas pa ng patong na pwedeng bayaran pa ng mga ikakasal sa mga suppliers na kukunin.

Madami ang nagalit sa pagsisingil ng mataas na weddings fees ng simbahang ito. Ayon sa mga netizens, ang simbahan ay hindi natataxan mula sa kita neto, na maaring magdulot na ibinubulsa ng simbahan ang mga kita mula sa mga kasalan.

Matapos makatanggap ng mga negatibong komento ang SSAP, ang pinuno ng simbahan na si Father Reu Jose Galoy ay naglabas ng pahayag na humihingi ang simbahan ng paumanhin sa bagong patakaran neto. Nagpasalamat umano din siya sa ibang nakibahagi ng mga talakayan upang mapagusapan at mapabuti ang serbisyo ng naturang simbahan at ngayon ay kasalukuyang under review ang mga bayarin sa serbisyo ng simbahan.

Karagdagan pang pahayag ni Fr. Galoy na ang tanging mithiin lang ng simbahan ay masiguradong lahat ng mga seremonyas ng kasalan ay magiging simple at mapapakita ang tunay na kahulugan ng matrimonya. Ngunit ang mga netizens ay iba ang nakikita sa serbisyong ibinibigay ng simbahan sa pamamagitan ng pagtibak sa mga weddings fees.

Ayon pa sa pari ang mga nakokolektang mga bayarin mula sa serbisyo ng simbahan ay ginagamit upang panatilihing maayos ang simbahan at pandagdag umano sa mga outreach programs na ginagawa ng simbahan.

Source: TNP


+ There are no comments

Add yours