Helpful Tips Para Maalis ang Bungang Araw Ngayong Tag Init




Problema niyo ba ang makating balat gawa ng bungang araw? Madalas ba kayo mangati at maging iritable dahil sa inyong mga bungang araw? Kapag sumasapit ang tag init o tag araw, dumadagsa rin ang iba’t ibang sakit sa balat. Isa sa pinakacommon na lumalabas sa ating balat ay ang bungang araw. Narito kung paano niyo malulunasan ang makating balat dulot ng bungang araw.

Ano ang sanhi ng bungang araw?

Walang tiyak na sanhi ang bungang araw subalit ito ay kadalasan na lumilitaw sa tuwing tag init o sa tuwing pinagpapawisan ng malala ang isang tao. Kapag ang pawis ay hindi natutuyo ng maayos, bumabara ang mga pores at ito ang maaring panimulan ng bungang araw.


Ano nga ba ang bungang araw?



 Ang Bungang araw o tinatawag na “miliria rubra” o “prickly heat” ay lumilitaw tuwing ang mga maliliit na butas na daanan ng pawis ay nagbabara kaya naman hindi nakakalabas ng maayos ang ating pawis. Ito ay kadalasan na lumalabas sa balat ng tao.

Paano nga ba malulunasan ang bungang araw?

– Tamang hygiene sa katawan o araw araw na pagligo
-Matulog sa mga preskong kwarto (mas makakabuti kung kayo ay magbubukas ng aircondition sa tuwing mainit upang maibsan ang kati dulot ng bungang araw)
-Iwasan ang pag kamot ng inyong balat dahil mas lalo lang ito magiging malala
-Iwasan ang paglagay ng creams o lotions sa balat kung ito ay pinagpapawisan, kung maglalagay kayo ng cream mas mainam na patuyuin muna ang balat bago i-apply upang hindi ito maging makati
-Mag apply ng ice pack sa mga singit ng balat upang maibsan ang kati
-Punasan ang pawis at lagyan ito ng powder upang mawala ang kati
-Iwasan ang pagsuot ng masisikip na damit na makakapag irritate ng inyong balat
-Bumili ng Aloe Vera gel at palamigin ito sa refrigerator, i-apply sa affected area ng balat




Paaano makakaiwas sa bungang araw?

Upang kayo ay makaiwas sa bungang araw, importante ang pagiwas sa dahilan ng iyong pagpapawis. Hangga’t maari, umiwas sa mga lugar ng sobrang init at huwag magbilad sa ilalim ng araw.

+ There are no comments

Add yours