Huwag Ipasawalang Bahala ang Diabetes! Mga Sintomas na Kailangan Mong Malaman Upang Matukoy Kung Ikaw ay may Diabetes







Ano ang diabetes?

Ang diabetes ay isang kondisyon kung saan ang katawan ng tao ay hindi makalikha ng sapat na insulin o ito ay ang paglalarawan ng sobrang daming asukal sa dugo ng isang tao. Dahil ang diabetes ay isang malalang kondisyon, maari itong mapansin dahil sa mga sintomas na mararamdaman ng isang pasyente.

Ang pagkakaroon ng diabetes ay kinakailangan ng pag-iingat dahil sa maaring pag taas ng glucose sa dugo dahil sa kapabayaan na posibleng magdulot sa matinding komplikasyon.

Narito ang ilang sintomas ng diabetes na dapat ninyong tandaan upang malaman ninyo kung may naranasan o naramdaman na kayong sintomas na ganito:


-Pagkakaroon ng napakataas na glucose sa dugo
-sobra-sobrang pag-ihi(polyuria)
-malabis na pagka-uhaw o panunuyo ng lalamunan (polydipsia)
-mabagal o hindi gumagaling na sugat
-impeksyon sa ihi
-pagbaba ng timbang
-sobrang pagkagana sa pagkain (polyphagia)
-May pakiramdam na parang tinutusok ang mga daliri sa paa o parang may langgam na lumalakad sa paa


Ano ang dapat na gawin kung kayo ay may naranasan o naramdaman na sintomas na ganito?

Huwag ipasawalang bahala ang sakit na diabetes. Sa una, hindi ito agad mapapansin ngunit kung ikaw ay nakakaramdam na ng gangtong sintomas. Gawin mo ang mga sumusunod:

1. Iwasan ang pagkain ng mga sobrang matatamis na pagkain
2. Panatilihin na nasa normal ang iyong timbang
3. Magpakonsulta sa doktor upang ma-check kung tama ang lebel ng asukal sa katawan
4. Iwasan ang pagkain na sobra sa taba o mantika
5. Pagkakaroon ng regular na ehersisyo araw araw


+ There are no comments

Add yours