Huwag na Kayong Kumain ng Chicken Breast na may ‘White Lines’ Narito ang Dahilan Kung Bakit!




Madalas ang inihahain sa mesa ng mga Pinoy ay ang manok o chicken. Hindi ito nawawala kapag may okasyon man o wala. Subalit alam niyo ba na may mga manok din pala na bawal kainin at kailangang kilatisin upang masigurado kung safe ba itong kainin.

Dahil sa marami na ang nag poultry farming sa iba’t ibang bansa, ilan sa mga ito ay hindi na nakakabuti sa ating kalusugan dahil na rin sa iba’t ibang paghawak at pag alaga ng mga binebentang manok galing sa mga poultry.

Isang video galing sa Compassion in World Farming ang nagsabi na huwag na tayong kumain ng manok na may ‘white lines’ dahil ang ibig sabihin nito ay nagkaroon ang manok ng isang muscle disorder na tinatawag na ‘white striping’.

Ang mga manok na may ‘white stripe’ ay sinasabing may mas mataas na fat content at kaunting protein content kaya naman ito ay hindi maganda sa ating kalusugan.

Ayon sa mga eksperto, tumaas ang demand ng mga manok kaya naman ang mga farmers o poultry ay gumagawa ng paraan na mapalaki ng mabilis ang mga manok. Hindi tayo makakasiguro na may kemikal silang pinapakain dito upang lumaki ng husto ang mga manok. Kung dati ay ang pagpapalaki ng manok ay kinakailangan ng 63 days para magkaroon ng 3.35 pounds, ngayon ay sa loob ng 47 days lumalaki ang mga manok ng 6.1 pounds.

Mas mainam na suriin muna ang binibiling manok sa palengke upang makasigurado na healthy ba itong kainin. Sa dinami dami na ang nagbebenta ng mga manok o white meat sa palengke, mabuti pa  rin na bumili sa  inyong trusted na bilihan upang maksigurado na ang manok na kinakain ay walang halong kemikal.


+ There are no comments

Add yours