Isang Ina ang nagdadala ng pagkain at bumabyahe ng 2 Oras para lang makita ang anak niya na hindi siya pinapansin!




Ang kwento ng artikulong ito ay patungkol sa makapagbagbag damdaming istorya patungkol sa wagas na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Kahit na malamig ang trato ng kanyang anak sakanya ay matyagang naghihintay ang ina nito sa labas ng kanyang bahay araw araw.
Sa mga araw na nagdaan madami naintrigang mga kapitbahay ang nagtataka matapos makitang araw araw na nandoon ang isang matandang babae. Ang matanda ay mukhang nasa late 70’s na. Matyagang naghihintay ang matanda sa labas ng isang bahay sa Singapore.
Araw araw ay lalakbayin ng matanda ang mahigit dalawang oras na byahe para lang dalhan ng pagkain ang kanyang anak. Base sa mga reports na nakita, ang matandang babae ay nakatira sa Toa Payoh na kung saan ay mahigit dalawang oras ang layo sa Bedok Reservoir Road na kung saan ay nakatira ang kanyang anak.

Ulit ulit tinatawag ng matandang babae ang pangalan ng kanyang anak sa loob ng ilang oras para lumabas ang kanyang anak sa bahay nito pero hindi ito lumalabas ng bahay. Matyagang naghihintay lang sa labas ang matandanag babae hanggang sa pagbuksanan niya ng pintuan ang matandang babae at kunin ang pagkain na h inatid para sa kanya.
Pagkatapos nitong kumain ay hindi man lang magsasabi ng pasasaalamat ang kanyang anak at ibabalik lang ang lalagyan ng pagkain. Ginagawa ito ng matanda sa loob ng tatlong taon at ni minsan ay hindi ito nakalampas ng paghatid ng pagkain sa anak niya. Ayon sa mga reports na nakuha, ang kanyang anak ay nasa 40’s na. Nawalan ito ng asawa kaya naman labis na ikinalungkot ito ng babae at nagkulong nalang sa bahay.

Dahil dito ay hindi na lumalabs ng bahay ang kanyang anak dahilan na hinahatiran nalang ito ng kanyang ina ng pagkain. Kahit na hindi ito kinakausap ng kanyang anak masaya ang matanda na alam niyang nakakain ng masarap at masustansyang pagkain ang kanyang anak. Kahit na nagiging inspirasyon ang ginagawa ng matandang babae sa kanyang anak, sana ay dumating na ang panahon na kausapin na siya ng anak niya at madama ang pagmamahal ng ina nito sa kanya.


1 comment

Add yours

+ Leave a Comment