Mula sa Pasahero sa pagiging Piloto, Basahin ang Kwento ni Eli John!





Gaya ng kasabihan na kung gusto mo malaman kung ano ang pinapahalagahan o kung ano ang pinapangarap o kinakahiligan ng isang tao ay tignan mo kung ano ang kanyang madalas kunan ng larawan! Gaya na lamang ni Eli John, na kinahiligan kunan ng larawan ang bawat flight crew sa tuwing siya ay umaalis o namamasyal gamit ang eroplano sa kadahilanang pangarap niya maging parte ng flight crew pagdating ng panahon.

Tunay nga namang nagkatotoo na walang imposible sa isang bagay na iyong pinapangarap kung nagpursigi kang makamit ito. Ngayon ay kumakalat sa Facebook ang kwento kung pano siya nagging isang first officer sa training na kung saan ay marami siyang napamangha at nagbigay siya ng inspirasyon para sa mga ibang tao na nangangarap din kagaya niya.

Limang taon ang nakalipas kinunan niya ng litrato ang crew flight na kanyang nasakyan. Pagkaraan ng limang taon sino ba namang magaakala na makakasama na siya sa flight crew na kanyang nakasama sa larawan noong 2013. Ang diperensya lang ngayon ay hindi na siya isang pasahero. Siya na ngayon ay isang trainee.

Ang kanyang pwesto ngayon ay nagsisilbing second pilot o kilala bilang legal commander ng eroplano. Madami ang natuwa sa nangyari sa kanya ngayon sa social media at tunay ngang siya ay isang Filipino Pride!

Source: TNP PH

+ There are no comments

Add yours