6 Detox Food na Mabisa pa sa Apple Cider Vinegar upang Luminis ang Katawan!
Mahalagang pinapanatili nating malinis ang ating katawan mula sa anumang toxins na maaring pumasok dito upang maiwasan natin ang anumang mga sakit at manatiling maging malusog sa pang araw araw. Ang paraa ng ndetoxification ay ginagawa upang maalis lahat ng dumi sa ating katawan. Ang pagkain ng mga ganito ay maaring makatulong upang mapanatiling malinis ang ating mga katawan!
Isa sa kilalang panglinis ng ating katawan ay ang apple cider vinegar. Ngunit alam niyo ba na hindi naman sa apple cider lang ang mabisang paraan upang maalis ang mga toxins sa ating katawan? Maaring gumamit o kumain din ng mga ganitong uri ng pagkain upang mapanatiling malinis ang katawan.
Wallnuts – Ang wallnuts ay nagtataglay ng napakadaming nutrients na maaring magdetoxify ng katawan. Matapang ang black wallnuts at kayang kaya netong puksain ang mga mikrobyo sa katawan. Pati na rin ang mga parasites na naiipon sa katawan ay maari nitong patayin.
Turmeric – Sikat ang turmeric bilang bahaga ng pagkain lalo na sa bansang Thailand. Ang paginom o pagkain ng turmeric ay maaring makatulong upang iwasan ang inflammation o anumang uri ng pamamaga sa katawan ng isang tao. Maaring sumubok uminom ng thai latte na may halong turmeric at gata upang hindi masyadong malasahan ang turmeric.
Cilantro – Ang cilantro ay isang uri ng dahon na likas sa pagtanggal ng anumang uri ng metals sa katawan na maaring makadulot ng masamang epekto sa katawan ng isang tao.
Coconut Oil – Ang coconut oil ay likas na antifungal at antibacterial na kayang kayang lumaban mula sa pamamaga at sa mga yeast sa loob ng ating mga intestine.
Watermelon – Ang pakwan ay likas na isang matubig na prutas na maaring magbigay ng magandang benepisyo sa ating katawan. Halos katumbas ng pagkain ng pakwan ang paginom ng tubig dahil 70% ng prutas na ito ay gawa sa tubig.
Isda – Ang isda ay naglalaman ng Omega 3 Fatty Acid na mahalaga sa katawan ng tao. Maaring makatulong ang likas na langis na lumalabas mula sa mga isda upang malinis ang ating katawan.
Source: The Healthy Ways
+ There are no comments
Add yours