Ang Keto Diet ay maaring makasama sa ating Katawan at makakuha ng mga ganitong klase ng sakit!




Ang pagbabawas ng timbang ay naging uso na ngayon para sa mga karamihang tao. Naging patok din umano ang mga pagpunta sa gym, pagpapahatid mula sa mga delivery ng mga pagkain at syempre ang pagdidiet at pagplanong maiigi ng kakainin. Isa sa mga nauso ay ang Keto Diet, dahil ito ay paraan na maaring kumain ng lahat ng pagkain kahit na nagpapapayat.

Ayon sa isang source, ang isang low carb diet ay nakaplano upang gabayan ang katawan na gumamit ng mga pagkukunan ng enerhiya gaya na lamang ng mga stored fat instead na carbs ang gamitin. Pero karamihan sa mga tao ay nag pipigil kumain ng carbs na maaring may mga side effects sa ating katawan.

Eto ang mga maaring dulot ng keto diet na ginagawa natin na masama sa ating katawan:

1. Pagkabali ng buto – ang diet na keto ay maaring mabawasan ang calcium intake natin sa katawan kung hindi tayo kakain ng carbs na may lamang mga fiber na tumutulong na makakuha tayo ng calcium. Maaring maging marupok ang mga buto natin at maging resulta ng pagkabali agad ng buto.

2. Pamumulikat – ang diet na ito ay nagbabawasan ang pagkakaron ng mga nutrients at minerals na mahalaga para sa muscle function gaya ng potassium at sodium.

3. Pagkapagod – Ang paggamit ng ibang paraan ng enerhiya maliban sa natural na pinagkukunan ng enerhiya ng ating katawan ay maaring mapagod tayo agad agad. Maari nating labanan ito sa pamamagitan ng pagkain ng tubig at asin.

4. Hormonal Imbalance – ang pagbabawas ng timbang ay isang stressful na Gawain para sa mga babae   na maaring magbago at maapektuhan ang menstruation cycle.

5. Sakit sa bato – Ang bato ay maaring mabuo mula sa process ng ketosis o carb deficiency na nagpapababa ng ating level ng sugar na maaring maging acidic an gating dugo. Ang resulta ng waste products ay maaring maging bato.

6. Bad breath – Ang mga taba na naaalis mula sa keto diet ay maaring magumpisa at mag activate ng mga chemicals na maaring maging sanhi din ng pagbaho ng hininga.

7. Constipation – Ang mga pagkain na mayroong mga whole grains at beans na merong mga fiber ay ipinagbabawal kainin. Ang pagkukulang ng katawan sa fiber ay maaring maging sanhi ng pagkaconstipated.

8. Dehydration – Ang taong nasa keto diet ay maaring magkaroon ng mataas na level ng ketones na maaring maiihi ka lagi. Ang pagihi palaga ay maaring maging sanhi ng dehydration.

9. Headache – Maaring sumakit din ang ulo dahil ang utak natin ay kailangan ng sugar na maaring maubusan tayo.

10. Bruises easily – Ang pagkain ng keto diet ay maaring baguhin ang composition ng ating dugo na maaring mabawasan tayo ng platelets at maging resulta ng pagkabugbog agad.

Source: Health Trend Tips


+ There are no comments

Add yours