Kaunaunahang Jollibee sa Milan, Binatikos ng mga Italyano ang spaghetti bilang insulto sa Italian Style!




Nagbukas na ang pinakamalaking fast food chain ng kanilang kaunaunahang branch sa Milan! Dahil ditto ikinatuawn naman ng mga halos 200,000 na pinoy dahil muli na nilang matitikman ang paboritong fast food na talagang panlasang pinoy! Nung nagbukas ito noong March 18, talagang ibat-ibang pinoy mula sa ibatibang panig ng Italy ang matyagang pumila at nakabuo ng mala kilometrong haba sa labas ng bagong bukas na fast food chain para lang matikman muli ang paborito nilang manok at spaghetti.

Ngunit, madaming mga Italyano ang naguluhan sa hype na nangyari. Ang pinakasikat na pagkain ng restaurant na ang spaghetti na paborito talaga ng mga pinoy ang talagang nagging usap-usapan at nagdala ng ibatibang komento mula sa mga taong naninirahan doon.

Ayon sa ABS-CBN lifestyle, isag artikulo ang isinapubliko ng Milano Today ang nagsasabing sikat talaga ang Jollibee bilang paboritong fast food chain ng mga Pinoy. Dahil sa nangyaring pagaabang ng mga pinoy dito, naenganyo at napapila din ang ilan sa mga italyano para subukan ang pagkain. Dahil ang isang tao ay minsan pinagtutunan talaga ng pansin ang kahalagahan ng kultura ng kanilang pagkain, ang iba sa mga italyano ay nainis dahil ang sikat na pasta sa Italy ay parang hindi naisunod sa kung ano ang kanilang nakasanayan.

Kinokonsider nila na ang spaghetti ng naturang food chain ay insult sa sikat na Italian pasta, na gumagamit ng mga bagong pitas na ingredients tulad na lamang ng kamatis, tomato sauce, basil na hindi katulad ng bersyon ng Jollibee na nilalagyan ang matamis na pasta ng hotdogs at bubudburan ng cheese sa ibabaw. Ang karamihan tuloy ay nagpahayag ng kanilang mga komento na ang spaghetti ng Jollibee ay sana ginawa nalang pizza imbis na pasta.

Syempre, dinepensahan ng mga pinoy ang kanilang paboritong pagkain. Habang totoo na ang ingredients na ginagamit ng mga pinoy sa kanilang mga spaghetti ay hindi katulad ng tradisyunal na Italian pasta, pero anila ay parang magandang panlasa din naman ang manamis namis na spaghetti upang maiba sa nakagawian.

Kasalungat sa paniniwala ng kapwa niya mga italyano, ang isang food blogger na si Claudio Burdi ay nagsabing bukas siya sa idea ng ibang bersyon ng nakagawian niyang pasta na may pagkatamistamis naman ngayon. Marami ang ibat ibang reaksyon sa pasta ng pinoy ngunit isa lang ang panigurado, natuwa ang mga pinoy dahil ngayon ay malalasahan na nila ang maaring magpaalala sa kanila na nasa bansang sinilangan padin sila.

Source: Pilipino News


+ There are no comments

Add yours