Limang Dahilan kung Bakit Kailangan Mong Kumain ng Kamote!
Ang Kamote ay isang bungang-ugat na tinatanim at kinakain ng maraming Pilipino. Isa ito sa mga pinaka natural na pagkain dahil hindi ito kinakailangan ng kemikal upang tumubo. Ang kamote ay kilala ng marami dahil ito ang pangkaraniwang binebenta sa mga palengke at inihahain na meryenda o almusal ng mga pilipino.
Sa tulong ng artikulo na ito, Malalaman ninyo na marami palang health benefits ang kamote at kung bakit kailangan natin itong idagdag sa ating meal sa araw araw.
Narito ang Limang Dahilan kung Bakit Kailangan Mong Kumain ng Kamote:
1. Makakatulong magamot ang sakit na Diabetes
Importante ang pagkain ng kamote sa mga may sakitna diabetes. Ang pagkain ng ginulay na dahon ng kamote o talbos ng kamote ay mabisa rin para matulungan ang paggaling at pagiwas sa kondisyon na ito dahil ito ay punong puno ng bitamina
2. Tumutulong para maging malusog ang puso
Ang kamote ay may potassium na nakakapanatili ng fluid sa katawan upang magpababa ng blood pressure. Ang potassium sa kamote ay mahalaga upang tumulong sa regular na pagtibok ng puso. Ito ay may taglay rin na Vitamin B6 na tumutulong mapuksa ang homocysteine na nagpapatigas ng daanan ng dugo.
3. Panlaban at iwas sa cancer
Ang Kamote ay isa sa pinaka healthy na pagkain sa ating kalusugan dahil ito ay may beta carotene na nakakabawas ng tyansa na magkaroon ng cancer. Mas mabuti nang kainin niyo ang kamote bilang isang meriend kaysa kumain ng mga unhealthy processed foods.
4. Tumutulong sa pagiwas sa sakit ng Anemia
Ang anemia ay isang kilalang kondisyon ng maraming tao na may kaugnayan sa dugo ng tao. Ang kamote ay mayroong kakayahan na kontrolin ang blood pressure ng katawan para sa mas maayos na daloy ng oyxgen sa ating dugo na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng anemia.
5. Nagbibigay ng enerhiya
Ang kamote ay isang epektibong halamang ugat upang makapagbigay ng enerhiya sa katawan dahil ito ay nagtataglay ng complex carbohydrates na nagbibigay ng pangmatagalang supply ng enerhiya sa ating katawan. Ito ay karaniwang pinapakain sa mga may sakit upang magkaroon sila ng sapat na resistensya at enerhiya.
+ There are no comments
Add yours