Limang Epektibong Natural na Gamot Para sa UTI




Ang Urinary Tract Infection o UTI ay ang kondisyon kung saan may impeksyon ang daanan ng ihi. Ito ay nangyayari kapag ang daluyan ng ihi ay puno ng bakterya na Escherichia Coli (E. coli). Kung naranasan mo nang magkaroon ng UTI, alam mo kung gaano ito kasakit sa pakiramdam.
Ang UTI ay maaring mawala kahit sa mga simple at natural na paraan lamang. Narito ang Limang epektibong natural na lunas o gamot para sa UTI:

1. Uminom ng Sabaw ng Niyog
Ang sabaw ng niyog o buko juice ay kilala bilang isang epektibong panlunas sa UTI dahil ito ay isang diuretic na nakakatulong magpalabas ng ihi. Kung kayo ay may UTI,  uminom ng fresh buko juice na walang halong sugar dahil ito makakalinis sa daanan ng inyong ihi o pantog. 
2. Uminom ng 2 litrong tubig sa isang araw
Ang pag inom ng maraming tubig ay isang paraan para mawala ang impeksyon sa ihi. Isa ito sa pinaka mabisang lunas para sa UTI, hindi mo kailangan ng mga gamot o supplement para mawala ang UTI. Ang simpleng pag inom ng maraming tubig ay makakatulong para mawala ang UTI.
3. Kumain ng Pipino
Ang mga pagkain na matubig gaya ng pipino ay panlunas para sa UTI. Subukan na kumain ng pipino araw araw upang unti unting mawala ang impeksyon sa inyong ihi. Nakakatulong ito para ma-flush out ang mga bakterya sa katawan.
4. Uminom ng Sambong
Ang sambong ay isang kilalang halamang gamot para sa kidney stones, pero alam niyo ba na ito rin ay isang epektibong panlunas para sa UTI. Ang pag inom ng sambong tea ay isang mahalagang paraan kung kayo ay may urinary tract infection dahil ito ay makakapagsigla ng iyong sistema sa pag-ihi na maaring maalis ang mga bakterya sa katawan. Maari ka rin magpakulo ng dahon ng sambong at inumin ito para mas natural ang epekto nito.

5.  Uminom ng Apple Cider Vinegar
Ang paginom ng apple cider vinegar ay makakatulong upang malabanan ang mga bakteriya sa katawan dahil ito ay punong puno ng mga minerals at enzymes. Ang apple cider vinegar ay antibiotic treatment para sa mga bakteriya sa katawan. Tandaan lamang na magpakonsulta muna bago uminom nito dahil ito ay acidic sa ating tiyan na maaring makatrigger ng sakit sa sikmura. 

+ There are no comments

Add yours