Limang Pagkain na Hindi Mo Dapat Initin Uli




Tayong mga Pinoy ay mahilig sa pagpapainit ng mga tirang pagkain upang makain ito ulit at maihapag sa ating mesa. Isa itong gawain ng mga Pinoy dahil sa iba’t ibang rason tulad ng ayaw natin may masayang na pagkain, tinatamad tayong magluto ng panibago o dahil sa tayo ay nagtitipid dahil alam natin kung gaano kamahal ang mga gastusin.



Gayunman, hindi lahat ng pagkain na leftovers o tira ay pwedeng initin uli. Ayon sa mga eksperto, ang pagpapainit ng ilang pagkain ng ilang beses ay masama sa ating kalusugan lalo na kung ito ay napabayaan lamang na nakahain sa inyong mesa at hindi ito na-stored ng mabuti.

Narito ang listahan ng mga pagkain ng hindi mo na dapat initin uli:

1. Itlog

Ang pagpapainit ng itlog ng ilang beses ay hindi maganda sa ating kalusugan maging scrambled man ito o hard boiled dahil maaring maging toxic ito at sirain ang ating tiyan kung ito ay pinainit uli.

2. Patatas

Safe ang pagpapainit ng patatas subalit tandaan na huwag ninyong hahayaan ang lumamig ang patatas bago ito painitin dahil ang warm temperature ay nakakatulong para dumami ang isang klase ng bakteriya na Clostridium Botulinum na delikado sa ating kalusugan.

3. Rice

 Ang pagpapainit ng kanin ng ilang beses ay isang pinaka common na sanhi ng food poisoning. Ang rice na hindi well cooked at napalamig sa room temperature at pagkatapos ay ipinainit muli ay nakakapagdulot ng food poisoning sa ating tiyan at maari tayong magsuka o mag diarrhea.



4. Celery, Spinach at Beets

Ang mga gulay na ito ay healthy para sa ating kalusugan subalit kapag ito ay ipinainit muli maari silang mag release ng carcinogens na pwedeng maging sanhi ng formation ng cancer sa katawan.

5. Manok

Karamihan sa atin madalas natin ipinapainit ang leftovers na manok. Alam niyo ba na hindi dapat ito ipainit dahil maari itong magdulot ng malubhang pinsala sa ating tiyan. Mas mabuti na kainin ang leftovers na manok ng malamig o ipainit ito sa mababang temperatura lamang.

+ There are no comments

Add yours