Limang Sanhi Kung Bakit Mayroon Tayong Bloated Tummy




Ang pagiging bloated ay isang kondisyon na kung saan may paglaki ng inyong tiyan o belly. Ang pagkakaroon ng bloated na tiyan ay isang pinaka common na complain ng mga tao. Kung hihipuin ang bloated na tiyan, ito ay matigas, maumbok na parang lobo o akala mo buntis ng ilang buwan.
Maraming dahilan kung bakit tayo bloated, may mga paraan na rin na maaring makaiwas sa pagkabloated ng ating tiyan. 


Narito ang Limang sanhi kung bakit mayroon tayong bloated tummy:

1. Irregular na pagkain ng meals

Ang pagskip ng meals ay isang rason kung bakit tayo bloated. Pagkatapos natin malipasan ng gutom, tayo ay kakain ng madami sa hindi sapat na oras nakakapagpatigas ng ating tiyan. Importante ang pagkain sa tamang oras at dahan dahan na pagkain upang hindi maging bloated ang tiyan.


2. Pag-inom ng Soft drinks o carbonated drinks
Ang mga bubbles sa softdrinks, carbonated drinks, alak o beer ay punong puno ng Gas na maaring makapagpabloat sa ating tiyan. Kung mapapansin niyo matapos uminom ng softdrinks ay makakatulong ito para kayo ay dumighay subalit mayroon parin naiiwan na hangin sa loob ng tiyan na siyang dahilan ng matigas na belly.



3. Constipation

Isa dahilan ng pagkakaroon ng bloated stomach ay ang constipation. Importante ang pagtae o pagdumi araw-araw upang mawala ang pagtigas ng inyong tiyan. Kung kayo ay hindi nagdudumi araw araw, maari itong maging dahilan ng bloated stomach. Siguraduhin na kumain ng sapat na fiber upang makapagdumi araw araw.


4. Pagkain ng mamantikang pagkain

Ang pagkain ng sobrang mantika o taba ay isang dahilan ng bloated stomach sapagkat ang mantika sa inyong pagkain ay isang rason kung bakit matagal ang pag digest sa inyong tiyan. Iwasan ang pagkain ng mga deep fry foods o mga pagkain na mayaman sa taba dahil hindi lang ito nakakapagpabloat ng tiyan kung hindi ito rin ay nakakataba. 
5. Monthly Period

Sa mga babae, madalas na mayroon silang bloated stomach sa tuwing sila ay dadatnan ng monthly period. Ito ang tinatawag na premenstrual syndrome o PMS na nakakapagparamdam ng pagod, pagbibigay ng iritable o masakit ang puson sa mga babae. Iwasan ang pagkain ng mga salt o sugar sa tuwing may monthly period upang makaiwas din sa pagiging bloated.

1 comment

Add yours

+ Leave a Comment