Part-time construction worker graduates as a valedictorian in Pangasinan




Walang anumang salita ang papantay sa maaring maramdaman ng isang magulang kung Makita nilang makatapos ng pagaaral ang kanilang mga anak. Eto mismo ang naramdaman ng magulang ng isang Valedictorian mula sa GuenGuesangen Integrated School na si Michael Espanol. Ngayon ang kanilang bahay ay punong puno ng mga medals na natanggap ng kanilang anak.

Ayon sa isang report ng ABS-CBN News, ang bagong graduate ng highschool na si Michael ay nagkaroon lamang ng grading 95% sa buong taon sa high school. Nahirang din siyang isang supreme student government president noong nagaaral pa siya. Sa isang interview ni Michael nabanggit niya na siya ay labis na natuwa at hindi malaman ano ang reaksyon ng malaman na isa siya sa mga magagaling sa kanilang klase at batch:  “Na-overwhelm ako nu’ng nalaman ko po na ako po ang top-performing sa klase namin.”

Kahit na sila ay kapos sa buhay, hindi ito naging hadlang para tuparin ang kanyang mga pangarap. Ang kanyang ama ay isang messenger habang ang kanyang ina naman ay mnananahi sa Maynila upang tustusan ang kanilang pamumuhay. Ayon sa ama ni Marlon: “Nagpapasalamat ako sa anak ko na kahit hirap na hirap kami, nakapagtapos siya nang ganu’n.”

Ngunit ang buwanang sahod ng kanyang ama na 10,000 ay hindi sapat upang sila ay mabuhay at siya ay makapagaral, sa halip si Michael mismo ay nagtratrabaho bilang part time construction worker upang makatulong sa pandagdag ng gastusin nila. Ayon sa kanya, kumikita siya ng 250 Pesos kada araw na siyang ginagamit niya pandagdag sa kanyang pag aaral: “Kung kaya ko naman po kasi, ayaw ko nang iasa sa kanila.”

Ngunit marami parin siyang mga naririnig na negatibong komento kahit na siya ay nagpupursigi at nagsisipag sa kanyang buhay:  “Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo, ‘wag na po natin silang intindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin.”

Ang inspiring story na ito ni Michael ay patunay lamang na kung may tyaga at determinasyon tayo sa buhay at sipag, walang makakapigil satin na maabot an gating pangarap dahil kung tayo man ay may gusting makamit kailangan pagtrabahuin natin ito ng maiigi.

Source: Pilipino News


+ There are no comments

Add yours