Aktor na si Michael De Mesa, Nakahanap ng Lunas Para sa Hepatitis C Matapos ang 20 na Taon!




Beteranong kapamilya actor na si Michael de Mesa, nakahanap na ng sagot para sa hindi matapos tapos na pakikipagsapalaran sa kanyang sakit na hepatitis C. Noong kanyang 58th birthday, isiniwalat ng aktor na siya ay nadiagnosed na may sakit noong 1999. Pagkatapos ng halos 20 taon na paghahanap ng lunas, ang kanyang tests ay hindi na muling nakitaan ng senyales ng Hepatitis C virus.






Inilahad ng actor ang resulta ng kanyang pinakahuling test sa kanyang Instagram account, makikita sa litrato ang “no detectable levels of HCV-RNA.” Sinabi rin ni Michael na nakahanap ng mas mura at generic na version para sa kanyang lunas. Nagsimula siya ng 1-week treatment noong November at natapos ng February ngayong taon.



Simula last year, alam na nilang gagaling na siya pero kailangan muna nilang maghintay ng “3 months post treatment just for good measure.” “Four years ago, the cure for Hep C was released but it was outrageously expensive! The Harvoni pill costs $1,000/pill. It’s a 12-week treatment amounting to around $90,000+. Crazy, right? Luckily, Julie was able to find a generic version from India which was just $1,000 for the WHOLE 12-week treatment already! So we got in touch with this Australian who helps people with Hep C. He is the head of the “Hep C buyers’ club”, so to speak.” Sulat ng actor.


Nagkaroon rin umano siya ng virus tatlong taon na ang nakalilipas ngunit ito ay gumaling pagkatapos noon ay marami siyang natulungan sa iba’t ibang bansa. “Before treatment, my viral count was in the millions. 35 Million to be exact! After just 4 weeks into the treatment, my viral count went down to 1,200! Anything below 2,000 is considered undetected already.” Dagdag pa niya.



Sa dulo ng kanyang paggamot, zero at UNDETECTED na ang kanyang kondisyon. Nakapagpahinga pa siya ng isang lingo matapos ang 3 months post treatment at sa huli ganun pa rin ang resulta, Undetected.

+ There are no comments

Add yours