Alamin ang Mura at Mabilis na Paraan upang Matanggal ang Peklat sa Balat
Ang peklat, o scar, ay ang kondisyon ng balat kung saan ang isang sugat, imbis na manumbalik sa dating kutis matapos na maghilom, ay napapalitan ng mas makapal at hindi pantay na kulay. Ito ay natural na proseso ng pagsasaayos sa nasirang pang-ibabaw na bahagi ng katawan. Ngunit dahil ito’y hindi kaayaayang tingnan, lalo na sa mga bahagi ng katawan na palaging nakikita, ang kadalasang kagustuhan ng maraming tao ay ang mawala ang kanilang peklat.
Tandaan na wala pang naiimbentong paraan para lubusang burahin ang peklat. Ang mga paraan ng paggamot maging ito ay medikal man o natural ay ginagawa lamang hindi masyadong mahalata ang peklat. Bago mo gawin ang mga ituturo namin saiyo, siguraduhing malinis ang balat na may peklat. Maging disidido at mapasensya. Ang pag aalis ng peklat ay maaaring magtagal depende sa hugis, laki at uri ng peklat. Ang mga pamamaraan para alisin ang peklat ay maaaring hindi epektibo sa lahat ng tao.
Narito ang ilan sa mga mabisang paraan pantanggal ng peklat.
ALOE VERA
Ang aloe vera ay isang natural na pang tanggal ng peklat dahil sa taglay nitong mga sangkap na nakapagpapabawas ng pamamaga at pampatay ng mga mikrobyo. Nakakatulong din ito sa pagpaparami at pagpapalusog ng mga nasirang selula sa balat kaya ito ay nakapagpapaganda ng kutis.
VIRGIN COCONUT OIL
Ang virgin coconut oil ay isang pambihirang sangkap na pantanggal peklat. Ito ay nakapagpapabilis ng pagkupas ng mga peklat sa balat. Ito ay dahil sa taglay nitong vitamin E na kilalang anti oxidant. Ang vitamin E sa virgin coconut oil ay nakakatulong din na maiwasan ang pag kakabuo ng panibagong mga peklat. Karagdagan pa, ang mga sangkap na nasa langis ng niyog tulad ng lauriv, caprylic at capric acid ay nakapagpapabilis ng pagpapalabas ng collagen na nakapagpapanauli ng nasirang balat dahil sa aksidente o free radicals.
VITAMIN E OIL
Ang vitamin E oil ay may antioxidant na nakakatulong na pantanggal peklat. Meron din itong moisturizing property na nakapagpapanauli ng sigla sa balat at nakatutulong upang maisaayos ang nasirang balat. Napapabuti din ng paggamit ng vitamin E oil ang itsura ng peklat.
OLIVE OIL
Nakagamit ka na ba ng olive oil sa pagluluto? Kung hindi pa, pagkakataon mo na itong makagamit ng mamahaling olive oil, hindi sa pagluluto ng ulam, kun sa pag tanggal ng nakakainis na peklat. Ang olive oil ay isang epektibong sangkap pantanggal peklat. Ito ay mayaman sa viatamin E at nakatutulong sa pagpapanatili ng makinis at malambot na balat. Ito ay nakatutulong din sa pagsasaayos ng mga nasirang balat.
KALAMASI JUICE
Ang kalamansi ay may taglay na alpha hydroxy acid, na may kakayahang gamutin ang iba’t ibang problema sa balat, kasama na ang peklat. Ang kalamansi ay nakaaalis ng dead skin cells at nakapag papanauli ng nasirang balat. Ang vitamin C sa kalamansi ay nagsasaayos din ng mga nasirang selula ng balat. Ito ay nakapagpapaputi ng kutis at mainam na gamitin para kumupas ang pangit na itsura ng balat.
HONEY
Gusto mo bang subukan ang mga nabanggit na paraan kung paano maalis ang peklat? Kung hindi ka pa nakakapili, narito ang huli sa aming listahan. Ang honey ay natural na moisturizer, na epektibong nakapagpapaalis ng peklat. Tumutulong ito para makaiwas sa pagkakaipon ng mga patay na selula sa balat at nakapagpapabilis ng pag tubo ng bagong mga tissue.
Source: Kalusugan PH
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.