Isang Lalaki, Ibinahagi sa Social Media ang Walang Disiplinang Gawain ng Pilipino na Nagdudulot ng Problema sa Bansa
Sino pa ba ang aasahang magpaunlad ng ating paligid? Kung hindi tayo lang namang mga Pilipino. Alam natin na hindi pwedeng isisi nalang lahat sa gobyerno kung tayo rin ang may pakana kung bakit ito nangyayari.
Kamakailan lang, nagpost ang isang netizen sa facebook na kilala bilang si Aaron Angeles na may caption na “Culture or ignorance?” ipinapakita nito ang ilan sa mga walang disiplinang gawain ng Pilipino na nagdudulot ng problema sa ating bansa.
Sa pagbahagi ni Aaron Angeles, Nais niyang masagot ang kanyang katanungan na: ito ba ay bahagi na talaga ng ating kalinangan, o manipestasyon ng kamangmangan?
Sa unang litrato na kanyang pinost ay kapansin pansin na ang nakalagay na “Bawal magsakay at magbaba rito”, pero doon rin sa bandang iyon humihinto ang mga pampasaherong sasakyan upang magsakay o magbaba ng pasahero.
“Very ironic”, wika nga ni Aaron.
Me: kuya stand on the right po.
Peenoise : mag hagdan ka kung nag mamadali ka.
Isang pang halimbawa ay ang nasa mga mall na panuntunan para sa paggamit ng escalator. Sa kaliwang bahagi, (kanan kung ikaw ay papaitaas) nakalagay ang label na “Walk” na nangangahulugang ang bahaging iyon ng escalator ay kinakailangang bakante upang mailaan sa mga nais maglakad dahil nagmamadali, at ang kanang bahagi naman (kaliwa kapag papaitaas) ay may label na “Stand.” Ito ay ang karaniwang hindi masunod ng karamihan sa atin.
Sa ikatlong at ikaapat na litrato ay ang mahilig o sanay na yatang gawi ng mga Pilipino, ang hindi pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyanan at hindi pagliligpit ng mga kinainan sa mga fast food chain.
Katwiran ng ibang Pilipino? “May service crew naman, sila na ang bahalang magligpit” at katwirang “mali yung banko hindi naglagay ng basurahan automatic na dapat yan!”
Ayon sa isang netizen,ang mas nakabubuti kung ayusin lang ang mga napagkainan at itapon ang tissue sa basurahan para respeto na rin sa susunod na kakain. Tungkol naman sa mga nagkalat na papel sa bangko, ito ay maliliit na piraso ng papel lamang kaya naman maaari itong ibulsa kung walang nakalagay na basurahan sa malapit.
Sa mga nangyayaring ito, tila ba pinaparusahan na tayo ng ating kapaligiran katulad ng nangyayari kapag umuulan, may mga naipong basura na nakakaharang sa daluyan ng tubig sa mga kanal kaya bumabaha at nagbubnga ng kapahamakan sa mga mamamayan.
Ang wastong disiplina ay ang pag-asa ng bayan para umunlad. Tayong mga Pilipino ay dapat magkaroon ng respeto sa kapwa at ating kalikasan upang makapagbigay tulong sa ating bansa.
+ There are no comments
Add yours