Isang Netizen, Galit na galit na Ibinahagi ang Mala-delubyong Pagkuha ng Lisensya sa LTO!
Nagviral ang post ng isang netizen at umani ng maraming komento ang Facebook post na ibinahagi ni Desmond Dalanon na isang netizen na ikinwento ang karanasan niya sa tilang pag pinetensiyang pagkuha ng lisensya sa pila ng LTO sa Laguna na umabot hanggang dose na oras ang kanyang paghihintay.
Ayon kay Desmond, kung makupad kumilos ang mga LTO sa Tayuman Manila, mas makupad ang sampung beses ang tagal sa pila sa LTO ng Laguna. Tinawag niya itong mala-delubyo dahil sa pagaantay ng matagal sa pila.
Ayon sa kanya, doseng oras na siya naghihintay sa pagkuha niya ng kanyang lisensya sa Laguna branch at simula alas singko ng umaga ay kailangan mo ng pumila. Binanggit din niya na nag cut off na agad agad ang LTO Laguna kahit kabubukas pa lamang nila ng 8am.
Galit na galit ito sapagkat wala raw kwenta ang numerong ibinibigay sa kanila dahil hindi naman lumalabas ang ang kanilang mga numero sa screen kaya tinatawag na lamang sila. Dagdag pa niya, isinisingit nila ang galing sa fixer.
Ibinahagi rin ni Desmond na walong proseso pa ang dadaanan mo sa pagkuha ng student to non-professional o kaya professional license at inaabot ito ng isa hanggang dalawas oras kada isang proseso. Bukod pa umano sa pila para dito ay iba ang pila ng renewal at para sa mga student. Base sa kanyang karanasan ay nakakuha na raw sila ng number 74 pero may isang babae lamang na kararating na wala pa namang numero ay biglaang nagkaroon ito at mas nauna pa mismo sa kanila.
Sa kanyang post, ibinahagi rin niya na palakasan lamang daw ito at walang kwenta ang mga number na binibigay sa kanila dahil hindi naman lumalabas ang number sa screen dahil puro tawag lamang at ang kinakalabasan nito ay nakakasingit ang may fixer. Himutok ni Desmond na 5:30 pa lamang ng umaga ay pumila na sila pero alas dos na ng hapon naisaayos ang pag pipicture at ang pag pipirma.
Kinuwestiyon ng kanyang kasama kung paano nauna ang babae at kung paano nakakuha ng numero. Nabanggit din niya na may nasawi na kumuha rin ng lisensya sa LTO Laguna dahil sa atake.
Sa kanyang pakikipagsapalaran dito, halo-halong galit, inis at gigil ang mararamdaman mo sa pagpila sa isang branch ng LTO na ito dahil sa sobrang haba ng pila.
+ There are no comments
Add yours