Jake Zyrus, Piniling Tanggihan ang Posibleng Re-duet nila ni Celine Dion sa kanyang Concert sa Pinas!




Noong 2008, kilala pa noon si Jake Zyrus bilang si Charice Pempengco ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makaduet si Celine Dion. Ang kanilang pagtatanghal ay nambulabog ng libong katao na dumalo at pumunta sa Madison Square Garden habang sila ay kumanta ng pinakasikat na awitin ni Celine na “Because You Loved Me.”
Maraming namangha sa kinalabasan ng kanilang duet performance. Dahil sa nangyari noong sampung taon na ang nakalipas, inaabangan na ngayon ng mga pinoy fans ang maaring posibleng pagduet ng dalawa dahil dito ay gaganapin nanaman ang concert ni Celine sa Maynila ngayong darating na July dahil isang two night show ni Celine ang magaganap.

Sa isang interview kasama ang Philippine Portal Entertainment, si Jake Zyrus mismo ang nagpahayag ng kanyang pagtatanggi sa posibleng mangyari duet. Ayon sa kanya, mas magandang masubukan ng mga nangangarap na rising stars ang makaduet si Celine gaya ng kanyang naranasan noon. 

Ito ang kanyang naging pahayag: “Kapag naiisip ko ‘yon, ang dami kong nakikitang new belters out there, na sobrang nakikita ko yung bright future nila. Minsan nai-imagine ko kung ako yung nararamdaman ko noon, when I was that kid with a long hair, na to be on the same stage with Celine Dion, of course, gusto ko ng mai-share yung feeling na ‘yon sa isang bata na maka-duet yung iniidolo nila.”

Sinabi niya pa na kung inanyayahan man siya ng aktres ay hindi niya ito tatalikuran at siya ay dadalo parin sa concert para sumuporta. Ngunit kung ito ay aanyayahan bilang ka duet sa isang performance ay maaring tanggihan nga niya ito. 
“Kung ako ulit yung mapili, siyempre naman, sobrang I’ll be grateful. Pero sa akin, hopefully, mabigyan din yung iba ng chance na maka-duet siya. Kasi, iba yung feeling and gusto ko i-share yung feeling na yun. Hindi lang yung sobrang magaling siyang singer, pero gusto ko ma-experience nila yung kabaitan niya bilang isang tao. Kung piliin niya ako, thank you.”

+ There are no comments

Add yours