Limang Benepisyo ng Aloe Vera Juice na Panlaban sa mga iba’t ibang Karamdaman!





Marami sa atin ay alam na ang aloe vera ay magandang gamitin para sa pampaganda ng ating buhok at karaniwang nakikita na kasama sa sangkap sa isang shampoo .Ngunit hindi natin alam na ang aloe vera ay maaring gamiting bilang gamot o panggamot sa karamdaman.

Ang sabila(Aloe Vera) ay isang makatas na halaman na matagal nang ginagamit ng mga tao sa panggagamot,paggawa ng mga kolorete at pampaganda. Ito ay maliit lamang na halaman na may makapal,makatas at bahagyang napaliligiran ng mala-tinik na bahagi. Maaari din itong tubuan ng bulaklak na patayo sa gitna.Ito ay orihinal na nagmula sa tropikong bahagi ng Africa ngunit tumutubo na rin ngayon sa maraming bansa kabilang na dito ang Pilipinas.

Narito ang limang benepisyo ng paginom ng Aloe Vera Juice panlaban sa mga iba’t ibang karamdaman:


1. Relieves Heartburn
Ang gel na tinataglay ng aloe vera ay mabisang panggamot para maiwasan ang pagkakaroon ng stomach acidity. Nagtataglay din ito ng alkaline para matulungan ang pagneutralize ng sobrang acidity at pagkairita sa ating katawan. Ito ay maaring gamiting panggamot sa may ulcers o ang hindi magandang dulot ng galing sa chronic acid indigestion. At sa paglunok o paginom ng aloe vera ay makakaramdam ng malamig na sensayon na kahit ang antacids ay hindi magtutugma.
2. Reduce Inflammation
Kilala ito bilang numero uno na nagtataglay rin ng anti-inflammatory properties na nagpapabawas ng karamdaman sa pagkairritable dahilan ng irritable bowel syndrome(IBR) o colitis, At ang namamagang kasukasuan, At nakakatulong rin sa mga nararamdamang sakit na dulot.Ang topical na pagaapply ng aloe vera ay nakakatulong para mabawasan o maibsan ang sakit na nararamdaman sa namamagang kasukasuan.
3. Sumusuporta ng Immune System


Ang aloe vera juice at gel ay nagkokontamina ng maraming phytonutrients at anti-oxidant compound, na nakatutulong sa pag suporta ng kalusugan ng immune system. Ito rin ay nagtataglay ng anti-microbial properties para mabawasan ang bakteria o viral load sa pagkakalantad sa pathogens
4. Remedy para sa ngipin
Ang aloe vera gel ay maaring gamiting pangtanggal ng mga plaque sa ngipin at para maprevent ang overgrowth ng bacteria sa ating bibig. Ito rin ay maaring gamiting gamot o panggamot sa dental caries para maiwasan ang pagkakaroon ng gingivitis at maaring isabay kasama ng chlorhexidine na base sa mouthwash na kayang maging epektibo bilang gamiting pangmumog.
5. Menstrual Pain
Tuwing ang mga babae ay nagkakaroon ng tinatawag na “once a month dealing” o ang pagreregla ay maaaring gamiting panggamot ang aloe vera sa pagkakaroon ng karamdaman tulad ng pananakit ng puson dahil sa taglay nitong anti-spasmodic na nagtatanggal o nagbabawas ng nararamdaman sa pananakit ng puson.

+ There are no comments

Add yours