Limang Home Remedies Para sa mga Nakakaramdam ng Masakit na Rayuma




Ang kadalasang sintomas ng Rayuma ay ang pananakit, pamamaga, pakiramdam na mainit at naninigas ang kasuasuan. Isang pangkaraniwang sakit ito na kadalasang nararanasan ng mga nagkaka-edad na. At sinasabing ang pananakit na ito ay dahil sa reaksyon o may problema sa immune system. Maaaring makaapekto ito nang husto sa kakayanan at abilidad ng isang tao na maging produktibo kaya naman kung nakakaranas ka nito ay nangangailangan ito ng agarang atensyong medical.
Ito ang Limang Home Remedies Para sa Rayuma:
1. Luyang dilaw
Ang luyang dilaw ay may epekto sa mga implamasyon sa ating katawan. Makatutulong ito sa pagpapahupa ng pananakit ng ilang bahagi ng ating katawan tulad ng rayuma sa mga kasukasuan. Kilalang sangkap din ito sa paggawa ng inumin na salabat. Paano ito gamitin?



• Magpakulo ng 4 na basong tubig • lagyan ito ng 2 kutsarang turmeric • hayaang kumulo hanggang 10 minuto • inumin ito ng 1-2 beses isang araw 2. Sambong
Ang taglay ng katas ng dahon ng sambong ay may mabuti ring epekto lalo na sa pagpapahupa ng impalamasyon sa katawan.
Paano ito gamitin?
• Magpakulo ng dahon ng sambong • ibabad ang mga paa sa pinaglagaan ng dahon hanggang sa manuot sa paa ang katas ng halaman.
3. Malunggay
Ang malunggay ay siksik sa mga bitamina at sustansya na kailangan ng katawan. Ngunit bukod sa benepisyo nito ng gulay na ito sa nutrisyon, maaaring makapag bigay lunas din ito sa ilang uri ng sakit
Paano ito gamitin? 
• Maglaga ng mga buto o dahon ng malunggay • Inumin ito ng 1 beses sa isang araw



4. Bayabas
Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma. Ang bayabas ay matagal nang ginagamit sa paggagamot sa maraming uri ng sakit.
Paano ito gamitin? 
• Kumuha ng dahon ng bayabas • Pinuhin ito at itapal sa apektadong bahagi ng katawan. 5. Alove vera
Ang aloe vera ay may healing properties na nakapagpapagaling ng anumang pananakit.
Paano ito gamitin? 
• Kumuha ng alove vera • Kunin ang gel nito • Ipahid sa nananakit na kasukasuhan.

+ There are no comments

Add yours