Limang Karaniwang Sintomas ng Problema sa Bato o Kidney Stones na Hindi Mo Dapat Isawalang Bahala




Saklaw ng Chronic Kidney Disease o s*kit sa bato ang mga kondisyon na maaaring makasira sa bato ng tao at makapagpababa ng kakayanan nito upang mapanatiling malusog ang pangangatawan. Sa paglala ng sakit na ito, maaaring magkaroon ng mataas na presyon, pagbaba ng bilang ng malulusog na red blood cells (anemia), paghina ng mga buto, pagbaba ng nutrisyon sa katawan, at pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng s*kit sa puso lalo na ang mga blood vessel nito. 
Ang pagkakaroon ng diabetes at mataas na presyon ay ilan lamang sa maaaring sanhi ng pagkakaroon ng kidney stones. Ang maagang pagkadiskubre ng s*kit na ito ay makakatulong upang hindi na lumala ang kondisyon. Ang paglala ay maaaring magdulot ng tuluyang pagkasira ng bato at kakailanganin ng dialysis o transplant ng bagong bato.
Ano nga ba ang sanhi ng kidney stones?
-pagkain ng maaalat na pagkain
-pagkain ng labis na matatamis tulad ng carbonated drinks



Kapag kayo ay nasosobrahan ng pagkain ng maalat at matamis na pagkain, maaring mamuo ang asin o asukal sa loob ng ating kidneys na siyang nagdudulot ng pabgbabara ng daluyan ng ihi at maging sanhi ng impeksyon.
Narito ang mga limang karaniwang sintomas ng kidney stones na hindi mo dapat isawalang bahala:
1. Madalas ang pagihi
Ang madalas na pagihi lalo na sa gabi ay isang sintomas ng sakit sa bato dahil kapag nasira ang kidney filters, ito ay maaring magkaroon ng pagbabago sa pag-ihi ng isang tao. Obserbahan ang inyong ihi kung ito ba ay dark, bula sa ihi, may masangsang na amoy o mayroong pagdudugo. 
2. Pangangati
Ang kidney ay nagtatanggal ng dumi sa dugo at kapag ito ay pumalpak magsasama sama ang mga dumi na nagsasanhi ng sobrang pangangati. Ito rin ay ang responsibilidad sa mga pag-clear out ng toxins sa katawan, kung ito ay hindi gumana ng maayos, makakaramdam ang isang tao ng pangangati ng balat. 




3. Pamamaga ng kamay at paa
Isang sintomas ang inyong kailangan obserbahan ay ang pamamaga ng kamay at paa. Ang pamamaga ng kamay at paa ay dahil sa nababawasan ang paggana ng kidney o bato dahil hindi naiipon ang extra fluid na nagsasanhi ng matinding pamamaga. 
4. Bumubula ang ihi



Kung madalas na madaming bula sa ihi o ito ay foamy, isa itong posibleng sintomas ng kidney stones. Ang bulang ito ay protina na kailangan ng ating katawan ngunit hindi nasasala ng mabuti kaya nailalabas na rin ng katawan ang bitaminang ito. 
5. Pagdudugo
Kapag ang bato o kidney ay hindi pa nasisira ito ay nagpapanatili ng blood cells sa katawan at nagsasala ng dumi galing sa dugo para makagawa ng ihi. Ngunit kapag ito ay nasira na, ang mga blood cells ay maaring lumabas sa ating ihi. Sa karagdagan, ang sakit sa bato at dugo sa ihi ay maaaring maging tum0r, kidney stones o impeksyon. 
Ilan lamang ito sa mga posibleng sintomas ng s*akit sa bato o kidney stones. Importante padin ang pagkonsulta sa inyong doktor upang mas mabigyan ng maliwanag na kaalaman tungkol dito.

+ There are no comments

Add yours