Madaling Paraan Kung Paano Magtanim ng Lemons sa Iyong Bakuran at ang Benepisyo Nito!




Ang Lemon ay isa sa pinakahealthy na prutas sa buong mundo na karaniwang ginagamit para sa  pagpapakinis ng balat, digestive tract at hydration ng katawan. Kilalang kilala ang lemon dahil sa refreshing na lasa at mga nutrients na makukuha dito.

Ang pagbili ng lemon sa market o palengke ay may kataasan ng presyo. Kaya naman, itong artikulong ito ay makakatulong sainyo kung paano makapagtanim ng unlimted lemons sa inyong bakuran upang makatipid at makuha ang natural benepisyo nito!

Narito kung paano magtanim ng Unlimited Lemons sa iyong bakuran at kung ano ang limang benepisyo na makukuha dito:

Ang Lemon ay may Vitamin C na nakakatulong tanggalin ang mga karamdaman gaya ng ubo, sipon at lagnat.



Mga Kailangan na kagamitan:

-plastic bag
-organic lemon
-soil
-pot o container
-watering can

Directions:

Lagyan ng kaunting tubig ang soil na nakalagay sa isang container o pot. Punuin ang container ng wet soil.

Hiwain ang lemon at kunin ang mga buto o seeds. Itanim ito sa wet soil na may container. Gumamit ng watering can upang madiligan ang lemon.



Takpan ang container ng breathable plastic bag upang magkaroon ito ng warm temperature at maging moist. Siguraduhin na ang wet soil ay hindi masyadong ‘damp’ upang hindi ito mamatay o malunod sa tubig.

Obserbahan ito ng isang linggo at kung napansin na nagsimula na itong mag-sprout, ilagay ito sa isang area na may direct sunlight.

Ano ang mga benepisyo sa pag-inom ng lemon water:

1. Ang lemon ay mayaman sa Vitamin C na nakakatulong makaiwas ang katawan sa mga immune system deficiencies.

2. Mayroon din itong pectin fiber na nakakatulong upang malinisan ang ating colon dahil ito ay may antibacterial properties.

3. Nakakatulong ito upang bawasan ang pamamaga ng joints sa ating buto dahil tinutunaw niya ang mataas na uric acid sa katawan.

4. Nakakapagpakinis ito ng balat at nakakapagtanggal ng mga wrinkles o age spots na galing sa sun exposure.

5. Nagpapalinaw ng mata at nakakatulong panlaban sa iba’t ibang eye problems

+ There are no comments

Add yours