Magandang Benepisyong Naidudulot ng Paginom ng Tubig Pagka-gising sa Umaga!





Kilala ang mga taga Japan bilang mga tao na may payat, masigla at magandang pangangatawan. Habang ang alam ng karamihan na ang pangagatawan ay namamana, marami ang nakapagsasabi na ang mga ginagawa mo sa umaga ang may mga malaking epekto sa kung ano ang iyong pangangatawan. Gaya na lamang ng mga Japanese na ang kanilang ritwal ay ang paginom ng tubig pagka-gising nila sa umaga.

Maaring makaiwas sa anumang mga k@ramdaman kung iinom ng tubig pagka-gising sa umaga. Dahil ang katawan ay binubuo ng 70% ng tubig, mainam na panatilihin itong “hydrated” para tayo ay makakilos ng tama. Maaring magkaron ng masamang epekto sa ating katawan kung nakukulangan tayo ng tubig.



Narito ang ilan sa mga benepisyong makukuha natin sa paginom ng tubig ng walang laman ang ating tiyan.

1. Pinapanatiling “Hydrated ang Katawan”

Pagka-gising sa isang mahimbing na tulog, ang katawan ay maaring maging “dehydrated”. Kahit gaano pa karami ang nainom mong tubig ng gabi bago ka matulog ay kailangan mong magdagdag ng tubig pagka-gising dahil ang paginom ay makatutulong sa iyong mga “cells”.


2. Pagalis ng “Tox!ns” sa Katawan

Ang paginom ng tubig ay makatutulong upang maalis ang mga “tox!ns” sa katawan. Habang tayo ay natutulog, ang ating katawan ay nag iipon ng enerhiya at nagreretaso ng mga nasirang “cells” sa katawan na ang maaring maging resulta ay maipon ang mga “tox!ns” na naghihintay na ma-flush out kinaumagahan.


3. Pangpabilis ng iyong Metabolism

Ang paginom sa umaga ay nakatutulong mabawasan ang iyong timbang. Makatutulong ang paginom ng tubig ng walang laman ang tiyan dahil maaring maalarma ang iyong katawan sa umaga. Napatunayan din na ang paginom ng tubig sa umaga ay nagpapataas ng “calorie burning potential” sa iyong katawan.

4. Pagtalas ng iyong Utak

Ang ating utak ay naglalaman ng 75% ng tubig. Kaya naman ang paginom ng tubig ay maaring makatulong na maabot ng iyong utak ang pinakatuktok ng kapasidad nito.


5. Makaiwas sa “Constipation”
Ang unang sanhi ng “constipation” ay ang kakulangan sa tubig sa katawan. Maaring makatulong ang paginom ng tubig sa umaga upang maiwasan ang “constipation” sa buong araw.

Tandaan: 

Maaring makatulong ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga upang panatilihin ang tinatawag na “homeostasis” ng katawan. Nirerekomenda din na hintaying ang 45 minutes pagkatapos uminom ng tubig bago kumain sa umaga. May mga ilan ding payo na huwag uminom ng tubig na lalagpas sa 15 minutes pagkatapos kumain.


+ There are no comments

Add yours