Malunggay Tree, Tinaguriang Makapangyarihang Puno Dahil Nakakapagpagaling ng 300 na Karamdaman!




Narinig niyo naba ang halaman na kung tawagin ay Moringa Oleifera? Tinagurian itong Miracle Tree dahil sa mga benepisyong nakukuha dito mula noong ilang taon na ang nakakalipas gaya ng panggagamot sa mahigit na tatlong daan na karamdaman. Ang punong ito ay laganap sa Timog Asya.
Ginagamit ang dahon nito, bulaklak, prutas, buto at maging ang ugat nito bilang medisina. Mayaman ang halaman na ito sa anti-oxidants. Ang punong ito ay kilala din sa tawag o bansag na drumstick tree o horseraddish tree. Mayroon itong mga dahon na pabilog na nagtataglay ng mga bitamina gaya na lamang ng Calcium, Protein, Vitamin C, Beta Carotene at maging Potassium.

Pagdating sa digestion, ang Moringa ay mayaman sa fiber na siyang nagsisilbing taga linis ng mga bituka mula sa mga tira tirang pagkain sa iyong dyeta. Kailangan din natin ang Moringa dahil madami itong isothiocyanates na nagsisilbing panangga at tagabawas ng bacteria na kung tawagin ay Helicobacter Pylori na sanhi ng mga karamdaman gaya ng gastritis at mga ulcer.

Ang Moringa ay maaring ikumpara sa mga sumusunod:

  • 9x itong sinasabing mas madaming protein kaysa sa yogurt
  • 10x itong mas madaming Bitamina A kaysa sa carrots
  • 15x itong mas madaming Potassium kaysa sa saging
  • 17x itong mas madaming Calcium kaysa sa gatas
  • 12x itong mas madaming Bitamina C kaysa sa orange
  • 25x itong mas madaming iron kaysa sa spinach

Mayroong mga pagaaral din nakapagsasabi na ang tao na kumakain ng 7 grams ng dinikdik na dahon ng moringa ay maaring mabawasan ang blood sugar level sa katawan ng mahigit kumulang na 13.5 porsyento. 


+ There are no comments

Add yours