Mas Mainam na Kumain ng Brown Rice kaysa sa White Rice! Narito ang Dahilan Kung Bakit!





Ang bigas o kanin ay bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pinoy. Ayon sa nakararami, hindi makukumpleto ang isang kainan kung walang kanin sa hapag. Dahil ito ang bumubuo sa tipikal na pagkain ng mga Pinoy.
Maraming uri ng bigas ang mabibili ngayon sa mga pamilihan. Mayroon na ritong bigas na pangkaraniwang kulay ang puti, at may mga bigas din na ang kulay ay brown. Ayon sa mga eksperto, sinasabi na mas masustansya ang Brown Rice kaysa sa Puting Bigas o white rice. Nakakatulong din ito sa mga taong may karamdaman. 



Kaya’t narito at alamin ang mga benepisyong taglay ng brown rice:


1. Healthy Digestion
Ang Brown Rice ay may mas mataas na fiber na nakakatulong sa malusog at maayos na pagtunaw.

2. Weight Loss
Maari itong gamiting pang diyeta dahil nakakatulong ito sa maayos na pagdaloy ng ating kinain at mararamdaman mong busog ka sa mas mahabang oras. At sa pamamagitan nito mas masasaayos mo ang oras ng pagkain at maiiwasan ang sobrang pagkain.




3. Para sa may Diabetes
Magandang gamitin itong pangkain ng mga taong may taglay na diabetes dahil sa masasaayos nito ang maayos na pagtunaw ng kinain, sa mabagal na pagtunaw ay maiiwasan ang high sugar levels. Kaya’t maiiwasan ang sobrang pagkain na siyang maaring maging balance o mapababa ang blood sugar. Mainam ito sa mga may Diabetes na nagiinsulin.

4. Prevent Heart Disease
Nagpapababa ito ng bad cholesterol sa ating katawan na siyang nakakatulong upang maiwasan ang Hearth Disease. 
5. Protein, Vitamins and Iron
Nagtataglay ito ng Bitamina,Protina at Iron na siyang kailangan ng ating katawan para sa malusog na pangangatawan,nagpapatibay ito ng buto, at nagpapalakas ng ating immune system.

+ There are no comments

Add yours