Mga Sanhi, Gamot at Natural na Paraan Upang Maiwasan ang Pagiging Acidic





Karamihan sa mga Pinoy ay nakaranas nang maging acidic. Ang pagiging acidic o hyperacidity ay isang problema hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Ano ng aba ang dahilan ng pagiging acidic? Ano ba ang gamot sa acidic? Paano ba ito maiiwasan? Sinu-sino ba ang maaaring maging acidic?

Narito ang ilan sa mga salik na maaaring magpataas ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng hyperacidity:

⦁ Pagkain ng napakarami o paghiga agad matapos kumain
⦁ Pagiging sobra ang bigat o katabaan
⦁ Pagkain bago matulog
⦁ Pagkain ng partikular na uri ng pagkain tulad ng citrus, kamatis, tsokolate, bawang, sibuyas, maaanghang o matatabang pagkain
⦁ Pag inom ng isang partikular na inumin tulad ng alak, soft drinks, kape o tsaa
⦁ Paninigarilyo
⦁ Pagiging buntis

Ano ba ang sintomas ng acidic?

Heartburn: ito ang mahapding pakiramdam na nagmumula sa sikmura papuntang dibdib at minsan, nakakarating hanggang sa lalamunan. Heartburn ang tawag dito dahil ang mga taong acidic ay nakararamdam ng sakit sa bandang ibaba ng dibdib na para bang pinapaso ang puso nila.

Lasang suka sa bibig: Pagkalasa ng mapait o maasim na lasa ng asido na nanggagaling sa lalamunan hanggang sa bibig.

Ang iba pang mga sintomas ng acidic ay ang mga sumusunod:

⦁ Matinding kabag
⦁ Pagdumi ng maitim o may dugo o kaya ay pagsusuka na may kasamang dugo
⦁ Pagdighay
⦁ Pagsinok na matagal bago matigil
⦁ Pagkahilo
⦁  Tunog na para bang sumisipol kapag humihinga
⦁ Pagkapaos
⦁ Hindi maalis alis na pamamaga ng lalamunan

Ano ang gamot sa acidic?

Ang pagiwas sa ilang uri ng pagkain at inumin ay siyang pinaka mabisang paraan upang gamutin ang hyperacidity. Narito ang ilan sa mga lunas upang maibsan ang pagiging acidic:

⦁ Kumain ng kaunti subalit mas madalas sa buong araw
⦁ Huminto ka na sa paninigarilyo
⦁ Iangat ang iyong ulo ng mga apat hanggang anim na pulgada kapag ikaw ay matutulog
⦁ Subukang matulog sa upuan tuwing hapon
⦁ Huwag kang magsusuot ng masikip na pantalon at sinturon
⦁ Kung sobra ang iyong timbang o katabaan, sikaping magbawas ng timbang sa pamamagitan ng ehersisyo at pag bawas sa pagkain.


+ There are no comments

Add yours