Nakakaproud Naman ang Triplets na Ito na Sabay sabay Nakapagtapos ng Junior High at Makakuha ng Top 3 sa Klase!

Nakakabilib at nakakaproud ang pinay triplets na kilalang kilala ngayon dahil sa sipag at tiyaga sa pag aaral. Ang magkakapatid na ito ay galing pa sa malayong probinsya ng Isabela.
Sa edad na 16, ang triplets ng pamilya Pascua nagsakripisyo ng kanilang pasensya at tiyaga sa pag aaral upang mapatunayan nila na kayang kaya nilang maging magaling at mas maging lamang kaysa sa mga nag aaral sa iba’t ibang lalawigan.

Naniniwala ang mga ito na ang mga estudyante sa probinsya ay maaaring magtagumpay sa buhay at makaabot ang pangarap kahit hindi kilala ang kanilang mga eskwelahan.
Sa kanilang pagtatapos ng Junior High School sa Naguilan National High School sa Isabela ay nagpakitang gilas ang tatlo dahil sila ang Batch top 3.
Ang kanilang pangalan ay Therese, Florence and Joyce Pascua at pinatunayang nilang may angkin silang talino dahil sa naging top one, two at three sila sa kanilang klase.
Ayon sa report ng Philstar, inamin ng tatlo na gusto nila ng competition pero hindi sa masamang paraan. “We have different strategies in studying. Di po kami magkakasama nagre-review… But if one of us needs help, we will still come to the rescue,” paliwanag ni Therese.

Kahit may kumpetisyon, nakakayanan pa rin nilang mag-inspire at mag-encourage ng isa’t isa para maabot ang kanilang mga pangarap.
Sa June ngayong taon ay pupunta na silang Manila para ipagpatuloy ang pag-aaral sa Senior High School hanggang college.
Nang sila ay tinanong tungkol sa anong gusto nilang kunin na propesyon pare-pareho ang binigay na sagot ng tatlo, na gusto nilang maging lawyer dahil naging inspirasyon nila ang kanilang aman na si Rodrigo Pascua.
Sa ngayon ang kanilang ama ang tumutustos sa kanilang gastos pang paaralan at nagtratrabaho bilang judge sa isang Municipal Trial Court sa Ramon, San Isidro na isa ring probinsya sa Isabela.
+ There are no comments
Add yours