Paano Nakukuha ang Migraine at Paano ito Maiiwasan?





Ang migraine ay isang sakit na halos pangkaraniwan na sa atin. Ito ay pwedeng magdala ng grabeng sakit ng ulo na para bang hinihila paalis ang iyong utak, na kadalasan ay sa kalahating bahagi lamang ng ulo nararamdaman. Kadalasan, ang migraine ay may kasamang pagkahilo, pagsusuka, at pagiging lubhang sensitibo sa liwanag at tunog.

Ano ano ang mga sintomas ng migrane at ano ang mga mabisang gamot para dito:

Ang migraine ay nag-uumpisang umatake mula pa sa pagkabata. Ang migraine ay may apat na yugto: pro-dome, aura, sakit ng ulo at post-dome. Bagaman ito ay may apat na yugto, may mga tao pa ding hindi nakakaranas ng lahat ng ito.

Gamot sa migraine:
May mga gamot sa migraine na maaaring makatulong para mahinto ang matitinding sintomas at maiwasan na ang muling pag-atake nito. May mga gamot na talagang dinisenyo bilang gamot lang sa migraine. Pero may mga ilang gamot na ginawa para lunasan ang iba pang sakit na maaring makakatulong din na maibsan o maiwasan ang migraine.

Pag-iwas sa migraine
Para sa mga taong may migraine, ang pinakamabuting paraan para makaiwas sa pag-atake ng sakit ng ulo ay ang pag-iwas sa tinatawag na migraine triggers. Ang mga sumusunod ay ang mga tips upang maiwasan ito:

Bantayan kung ano ang iyong mga kinakain at iniinom. Kung ikaw ay may pananakit ng ulo, ilista ang mga pagkain o inumin na kinain o ininom mo bago sumakit ang ulo mo. Kung nakita mong parang may koneksyon ang iyong sakit ng ulo at iyong mga kinakain, iwasasan mo na ang mga iyon sa susunod.

Kumain ng regular. Ang pagpapaliban ng pagkain ay nakaka trigger ng migraine sa ilang tao. Bawasan ang caffeine. Ang sobrang caffeine bagaman sa pagkain o inumin ay pwedeng maging sanhi ng migraine. Pero mag ingat din, ang biglaang paghinto sa pag inom ng kape ay pwede ring maging trigger ng migraine.

Balanseng ehersisyo. Bagaman sinasabi ng mga doktor na dapat ay regular na mag ehersisyo para manatiling malusog, ang ehersisyo ay pwede ring maging trigger ng sakit ng ulo. Matulog ng sapat. Ang mga pagbabago sa nakasanayang sleep pattern ay maaaring maging sanhi ng migraine. Ang sobrang pagod ay maaari ring maging trigger ng migraine.


+ There are no comments

Add yours