Rufa Mae Quinto, Ipinagdiwang ang Kaarawan at Sinurpresa sa Burol ng Kaniyang Ina
Noong Sabado, May 26, nagluksa si Rufa Mae Quinto sa pagpanaw ng kaniyang ina na si Mommy Carol. Sa araw din na iyon ay ipinagdiriwang ng aktres ang kaniyang kaarawan. Dahil ditto isang mensahe ang ipinarating ni Rfau para sa kaniyang ina.
“Ma, I love you. lagi ko tatandaan yung sinabi mo na wag ka matakot, maging matapang ka para sa anak mo. Ang sakit mawalan ng ina.”
Ngunit ganoon pa man, alam ni Rufa na ang kaniyang ina ay mapayapa na ngayon ang kalagayan. Ibinahagi din mismo ni Rufa sa kaniyang Instagram post ang larawan ng kaniyang ina kasabay ng mga salitang nais niyang sabihin pa sa ina kung naririnig pa siya nito.
“Nakita mo ang apo mo. Naka attend ka ng first birthday ni [Baby] Alexandria Magallanes at nakita mo ako kinasal. Lumagay sya tahimik. Kaya ikaw din, tahimik na.”
Sa burol ng kaniyang ina, isinurpresa si Rufa ng kaniyang mga kaibigan at kaanak sa pamamagitan ng pagkanta sakanya ng happy birthday at pagbibigay ng isang cake. Maaring ito na ang pinakamalungkot na kaarawan ni Rufa sa buong buhay niya. Ngunit nagpapasalamat padin siya sa mga sumusuporta sa kanya at sa mga kaibigan at kaanak niya dahil ipinagdiwang padin nila ang kaniyang kaarawan at siya ay binati nila.
Panuroin ang buong video dito: https://youtu.be/HRjeQWotfIE
Maraming mga netizens din ang bumati kay Rufa sa pamamagitan ng mga comment box sa mismong mga posts niya.
+ There are no comments
Add yours