Silipin Natin ang Malaki at Magandang Bahay nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez





Si Annabelle Rosales Rama ay isang actress na may anim na anak sa kanyang asawa na si Eddie Gutierrez na isa ring aktor. Nakakakilig ang pagbahagi ni Annabelle na ang pagiging Mrs. Gutierrez ay matagal na proseso ng ligawan at isa niya itong pangarap o ambisyon na maging asawa ng aktor na si Eddie Gutierrez.

Kung sa ibang bansa ay may Kardashians sa Pilipinas naman ay may, The Gutz na pinangungunahan nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
Ang angkan ng mga Gutierrez ay ang pinaka sikat sa showbiz sa Pilipinas. Na maikukumpara mo nga naman ang kanilang napagandang bahay sa Kardashians. Alam niyo ba na ang kanilang mansion ay may resort-like na tema na parang nasa rest house ka? 

Silipin natin ang nakamamanghang bahay ng mag asawa na may tropical vibe na para kang laging nakabakasyon:


LIVING ROOM 



Pagpasok na pagpasok mo pa lamang makikita mo na ang disenyo na parang katulad sa mga resorts na ramdam mo talaga na may welcoming ambiance sa loob. Napakalaki ng espasyo sa living room na pwedeng makapagpasok ng napakaraming bisita gaya na lamang ng mga resort lobby.

ROOMS 

Napakaraming rooms na pwedekang mag relax at manood ng telebisyon. Na ang kwarto may mataas na ceiling at ang disenyo ay elegante na may mga sofa, lamesa at upuan na hango mula sa disenyo na napakamahal. Meron rin silang kwarto na may glass wall para makadaan ang ilaw sa loob ng bahay.


DINING ROOM
Ang kanilang kainan ay bonga nga naman talaga dahil may matikas na ilaw sa taas ng hapag kainan na may glass na lamesa at sa tabi nito ang kinalalagyan ng mga mamahaling pingan, baso at kung ano-ano pa.

SWIMMING POOL 



Hindi nga naman maginging kumpleto ang kanilang bahay na resort theme kung walang swimming pool. Ang kanilang pool ay pinapalibutan ng makukulay na hagdan na mukha talagang nasa isang resort ka.


COMFORT ROOM 
Sa kanilang sariling banyo ay makikita talaga na ito ay modernong moderno lalo na pagdating sa interior na design nito.

MASTER’S BEDROOM 
Pagdating dito sa kanialang master’s bedroom ay makikita na nakalagay ang kanilang mamahaling bagay ni Annabelle. Base sa isang report ang inerior designer nila ay si, Jeizel delos Reyes-Gona isa sa nag saayos ng kanilang isang bahay sa Quezon, City.

+ There are no comments

Add yours