Tinaguriang Pinakamasustansyang Prutas ang Saging Sa Buong Mundo dahil Sa Mga Benepisyong Makukuha Dito!
Kung mayroong kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mayroon din naming kasabihan na “Two bananas a day keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang nakakabuti para sa ating pangangatawan. Dahil ang saging na 100 grams ay naglalaman ng 88 calories at mga bitamina gaya ng C, Calcium, Iron, Phosphorus, Potassium at Protein madami ang benepisyo ang maaring makuha natin dito gaya ng mga sumusunod:
1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga tao na may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling anti-acid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na maaring tumulong na tumapal ng mga sugat sa ating tiyan.
2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
3. Alternatibong multivitamins — Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw maaring mas makatipid ka dahil alternatibo ito ng mga gamot.
4. Mabuti sa Colon – Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong makabuti sa ating colon at iba pang mga karamdaman sa bituka.
5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium na siyang ginagamit na enerhiya sap ag eehersisyo.
6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon.
7. Makaiwas sa hika – May mga pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong pakakainin ng saging, mas hindi sila hihikain.
+ There are no comments
Add yours