10 Halamang Gamot na Maaari Niyong Gamitin Dahil ito ay Aprobado ng Department of Health
Kaya’t narito ang mga 10 halamang gamot na aprubado ng Department of Health o DOH:
1. Akapulko
Ang Akapulko ay isang uri ng halaman na nakakagamot ng mga karamdaman.Karaniwan itong makikita sa Pilipinas sa kanilang mga hardin o bakuran. Nakakagamot ng:
• Skin Fungal Infections • Altapresyon • Hika
2. Ampalaya
Ang ampalya ay kilala sa pangalan na bitter gourd o bitter melon sa Ingles.Kilala rin ito na sangkap sa lutuin at isa sa mga halamang gamot na nakakatulong sa karamdaman. Tulad ng:
• Diabetes • High Blood • Pamamaga o pagmamanas
3. Bawang
Isang uri nang halaman na ginagamit sa mga lutuing pagkain at maaring gamiting panggamot sa mga sakit. • High Cholesterol • Anti-Bacterial • Altapresyon
4. Bayabas
Ito ay halamang karaniwan na nakikita sa Pilipinas na maaring kainin at ginagamit itong gamot sa mga sakit. Tulad ng:
• Paglinis ng sugat • Diabetes • Pagtatae
5. Lagundi
Ito ay may limang pirasong dahon sa isang tangkay na kulay berde na ginamamit pang gamot sa mga sakit. Tulad ng:
• Ubo, Sipon at Lagnat • Asthma • Rayuma
6. Niyog-Niyogan
Ito ay baging at hindi mukhang niyog. Kaya tinawag ito na niyog-niyogan dahil sa amoy ng bulaklak nito na kasing amoy ng niyog. Ginagamit itong panggamot sa sakit. Tulad ng:
• Pampurga sa mga bulate sa tiyan • Problema sa pag-ihi • Pananakit ng ulo
7. Sambong
Ito ay isang maliit na halaman na may mapayat na matigas at mala-kahoy na katawan.Ito rin ay nababalot ng mabalahibong dahon at kumpol-kumpol na bulaklak sa isang sanga.Ginagamit na panggamot sa mga sakit. Tulad ng:
• High Blood • Pangtanggal ng Bato o kidney stones • Rayuma
8. Tsaang Gubat
Kilala din sa pangalan na wild tea sa Ingles.Ito ay ginawang tsaa para gamiting panggamot sa mga sakit. Tulad ng:
• Pagtatae • Skin allergies • Diabetes
9. Pansit-pansitan
Kilala rin sa tawag na ulasimang bato na kilala ring halamang gamot sa mga sakit. Tulad ng: • Arthritis • Gout • UTI
10. Yerba Buena
Ito ay karaniwan na kilala sa tawag na Peppermint na mabisang panggamot sa mga karamdaman. Tulad ng:
• Pananakit ng kasu-kasuan • Gout • Lagnat
source:philippineherbalmedicine
+ There are no comments
Add yours