Agaw Pansin ang Sasakyan ni Keifer Ravena at Alyssa Valdez na Talagang Malulula ka sa Presyo
Pagdating sa celebrity couple na si Keifer Raven at Alyssa Valdez, wala ng mas bobongga pa sa pagdalo sa isang event na gamit ang isang luxury car. Kamakailan ang dalawang atleta na ito ay dumalo sa isang fashion gala sa Marquis Events Place sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City ng kanilang most fashionable na kasuotan.
Sa kanilang Instagram post, makikitang sinakyan nila ang isang Mclaren Sports Car na ito.
Ayon sa mga netizens at car enthusiasts, ang sasakyan na kanilang ginamit ay isang luxury car at 2013 McLaren Mp4-12C Spider. Dagdag pa ni Keifer “Every once in a while, we play dress up”
Ayon pa sa Top Gear Philippines noong 2014, ang sasakyan na ito ay hindi na makikita sa mga bilihan ng sasakyan dahil ang McLaren ay tumigil na sa paggawa ng mga sasakyan na katulad nito. Ang McLaren ay nagkakahalaga ng milyong milyon sa market noonng 2013.
+ There are no comments
Add yours