Alamin ang mga Benepisyong Maaring Makuha sa Pagkain ng Munggo
Ang mungo ay isang kilalang gulay na madalas kainin ng mga Pilipino lalo na tuwing Biyernes. Ang mga berdeng buto ang siyang karaniwang kinakain na gulay. Maliit lamang ang halaman nito na nababalot ng maliliit na buhok. Ang mga buto ay nakukuha mula sa mala-sitaw na bunga ng halaman. Maaari ding patubuan ng ugat ang mga buto upang maging toge (sprout).
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang mungo ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
– Ang mga buto ng mungo ay mayaman sa carbohydrate at protein. Maaari ding makuhanan ng calcium, iron, vitamins A at B.
Ano ang mga Benepisyong maaring makuha sa pagkain ng munggo?
1. Hirap sa pag-ihi
Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng mungo para mapanumbalik sa normal ang pag-ihi.
2. Ubo
Maaaring inumin din ang pinaglagaan ng mungo para malunasan naman ang kondisyon ng pag-uubo.
3. Hirap sa pagdudumi o constipation
Mabisa para sa kondisyon ng constipation o pagtitibi ang pagkain ng nilagang munggo.
4. Pagpapasuso ng gatas
Epektibong pamparami ng gatas ng nagpapasusong ina ang pag-inom sa sabaw ng nilagang mungo.
5. Iritasyon sa balat
Ang iritasyon sa balat na dulot ng paglalagay ng kolorete sa mukha ay maaaring pahiran ng nilaga at dinikdik na buto ng munggo.
+ There are no comments
Add yours