Alamin Kung ano ang Hepatitis C: Tahimik Pero Malala at Delikado sa Kalusugan!





Ang hepatitis C ay isang viral infection at sanhi ng pamamamaga ng atay. Ang ganitong kondisyon ay nakukuha mula sa mga unscreened blood transfusions o kaya naman contaminated needles at iba pang instrument na ginagamit para sa pagpapalagay ng tattoo or body piercing. Mababa naman ang panganib ng pagkakaroon ng hepatitis C sa pamamagitan ng sexual contact o breast feeding.
Mahirap alisin sa human immune system ang hepatitis C mula sa katawan, at ang impeksyon nito ay karaniwang nagiging chronic o matagal na paggaling. Pero dahil na rin pabago bago ang panahon, sa ngayon ito ay maaari nalang magamot sa pamamagitan ng oral medications sa loob ng anim na buwan. 






Mayroon namang kalahati sa bawat tao ang hindi alam na apektado na sila ng ganitong sakit dahil walang sintomas na naipapakita at tumatagal hanggang sampung taon bago ito magparamdam. Sa ganoong kaso, nirerekomenda ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention ang pagkakaroon ng screening blood test para sa lahat ng nanganganib na magkaroon ng ganitong impeksyon.
Paano nakukuha ito at ano ang mga sintomas?

Kapag ang virus ay nakapasok na sa katawan, madalas wala itong sintomas na ipinapakita kaya ito ay tinatawag natahimik pero malala. Nasa 85% ng tao ang nabibigong maalis ang virus na ito hanggang na naapektuhan na masyado ang atay saka lang nagpapakita na ng mga sintomas. 


Narito ang ilang mga senyales at sintomas:


  • Madaling pagdurugo
  • Madalas nagkakapasa
  • Pagkapagod
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • walang gana kumain
  • pangingilaw ng balat at mata (jaundice)
  • ibang kulay ng ihi 
  • makating balat
  • namamagang legs
  • pagbawas ng timbang


Paano nga ba ito maiiwasan?
Sa ngayon ay wala pang medication o vaccine para maiwasan ang Hepatitis C pero narito ang ilang dapat iwasan na mga bagay na maaaring mahawaan ka ng ganitong virus.

  • Iwasan ang pagpapalagay ng bagong piercing o tattoo kapag ikaw ay bumibisita sa lugar na hindi ka pamilyar pa.
  • Huwag makibahagi sa mga karayom at razor blades ng iba
  • Kung kailangan mo ng medical o dental care sa abroad siguraduhing na mayroon itong maayos na pasilidad.

+ There are no comments

Add yours